Vina nakiusap sa bashers ni Robin: Tigilan n’yo na, mabuti siyang tao!
IPINAGTANGGOL din ni Vina Morales si Robin Padilla sa mga netizen na patuloy pa ring namba-bash sa aktor matapos nitong pagsabihan ang isang Koreanong contestant sa Pilipinas Got Talent na matuto munang magsalita ng Tagalog bago sumali sa nasabing talent show.
Sa isang episode ng Kapamilya Chat, sinabi ni Vina na may “good heart” at “good soul” ang dati niyang leading man.
“Paano ko ba ma-describe si Robin sa isang word? Kasi napakabuting tao nito eh.
“Naiintriga nga ngayon eh, kaya please tigilan na yan kasi he really has a good heart. He has a good heart, good soul, may puso ‘tong taong ‘to I really have a soft spot kay Robin and lahat ng mga nagmamahal sa kanya, naiintindihan ‘yung mga napagdadaanan niya ngayon,” ani Vina.
Dagdag pa ng singer-actress, “I’m always supportive to Robin kasi I know how he is eh. Very straightforward siya pero hindi mo naman kailangan yung mga nagmamahal sa kanya hindi dapat dinidibdib ‘yon kasi kung may payo lang siyang ganoon, you know let’s take it in a constructive way, ‘di ba?
“Para sa akin, dapat i-stop na (bashing) kasi may good intention naman ‘yon sa kanya bilang parang tatay katulad ng sinabi niya,” aniya pa.
Kamakailan ay nauna nang idinepensa ni Mariel Rodriguez ang kanyang asawa mula sa mga bashers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.