Sunog sa Cebu Metro-Ayala malapit nang maapula— BFP
SINABI ng Bureau of Fire Protection (BFP) na inaasahan nang maaapula ngayong araw ang sunog sa Metro Department Store sa Ayala Center Cebu.
Sinabi ni BFP Central Visayas Chief Senior Supt. Samuel Tadeo na binombahan na nila ng tubig ang lahat ng palapag ng department store dalawang araw matapos sumiklab ang sunog noong Biyernes ng gabi.
“We are making sure that there’s no more fire on every level. We will do our best to completely put out the fire today,” sabi ni Tadeo.
Sumiklab ang sunog ganap na alas-9:44 ng gabi noong Biyernes na nagsimula sa stock room ng toy department na matatagpuan sa ikatlong palapag.
Idinagdag ni Tadeo na inaalam pa nila ang naging sanhi ng sunog.
“We already invited the persons who could shed light on our investigation. They are expected to appear at our office tomorrow (Enero 8),” dagdag ni Tadeo.
Itinaas ang haze alert noong Sabado dahil sa usok mula sa nasusunog na mall.
Natabunan ng makapal na usok ang palibot ng Cebu Business Park kung saan matatagpuan ang department store at ang iba pang mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.