Kontrabidang aktres simangutera, negang-nega ang image
SANA raw, ngayong 2018, ay magbaon na ng ngiti ang isang female personality kapag dumarating siya sa set ng teleseryeng ginagawa niya sa isang malaking network.
Marami kasing nagtataka kung bakit parang hirap na hirap ngumiti ang babaeng ito, parang pasan niya ang daigdig kapag nasa set na siya, palagi siyang nakasimangot.
“E, ang tapang-tapang pa naman ng itsura niya, hindi siya pambida, dahil isang mataray na karakter lang ang nababagay sa kanya.
“Kahit nga tumawa pa siya, e, mukhang kontrabida pa rin siya, ‘yun pa kayang nakasimangot siya?
Maraming nagtataka kung bakit ganu’n ang girl, bago kaya siya magpunta sa set, e, may mga pinagdadaanan siyang problema?” komento ng isang source.
Kunsabagay, kahit naman nu’ng nasa kabilang network pa ang aktres na ito ay ganu’n din ang maririnig na kuwento tungkol sa kanya. Simangutera siya.
“Nakakapagtaka nga kung bakit sila nagtagal nu’ng isang male personality. Hindi kaya naumay sa pagiging simangutera niya ang guy? ‘Yun kaya ang dahilan kaya nag-break sila?
“E, palangiti pa naman ‘yung lalaki, may ready smile palagi ‘yun para sa lahat, pero ang girlfriend niya, parang palaging nakakaamoy ng kung anong mabaho!
“Kaya nga maraming nagbibiro na sana naman daw, tutal, e, 2018 na, matuto na raw sanang ngumiti ang babaeng ‘yun! Hindi na siguro siya masyadong magmumukhang kontrabida kung matututo siyang ngumiti man lang!
“Ang talim-talim pa naman ng mga eyes niya. Kahit hindi pa niya palakihin ang mga mata niya, e, nakakatakot na ang itsura niya!
“Bakit kaya ganu’n ang babaeng ‘yun? Napakamahal ng ngiti niya! E, hindi naman siya anak ng king o ng queen! Ni hindi nga siya anak ng general para magpakaganyan siya habambuhay!” inis na pagtatapos ng aming impormante.
Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino ang babaitang ito, kaya wala nang clue!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.