Si Madam mas malaki ang pasabog sa 2018
TULOY ang kampanya ng bida sa ating kwento ngayong araw na makuha ang posisyon sa pamahalaan na matagal na niyang gustong kunin.
Lahat daw ay kanyang gagawin para pamunuan ang isang ahensiya na matagal na umanong naipangako sa kanya ng Malacañang.
Sinabi ng ating Cricket na isang grupo ng mga bayarang mamamahayag ang kinumisyon ni Madam para gumawa ng strategy na magpapalaglag sa isang opisyal ng pamahalaan.
Nakakuha siya ng momentum nang ilahad nya sa publiko ang umano’y kurapsyon na kinasasangkutan ng mismong mga kasama niya sa ahensya na kanilang pinaglikungkuran.
Pero ipinaliwanag ng aking Cricket na hindi lamang ito simpleng expose’ dahil target talaga niyang pamunuan ang ahensya na matagal na rin niyang ipinagyayabang sa kanyang mga kaibigan.
Determinado siyang pamunuan ito dahil halos lahat ng mga nakasabay niya na sumuporta noong eleksyon sa pangulo ay nabigyan na ng juicy position sa pamahalaan.
Hindi lamang mga pwesto kundi sila mismo ang namumumo sa mga ito at hindi papayag si Madam na isang pangkaraniwang posis-yon lamang ang kanyang hahawakan sa gobyerno.
Sa mga susunod na araw ay nakatakda pa siyang maglabas ng mga pasabog lalo na sa pinuno ng kinaaaniban niyang tanggapan.
Sa tulong ng kanyang mga contacts sa media ay pauusukin daw nila ang mas malalaki pang mga isyu laban sa pinuno ng ahensiya na isa sa may pinakamalaking income sa gobyerno.
Malinaw na at end of the day ay pera rin ang target ni madam na nakilala makaraang masangkot ang kanyang pangalan bilang protektor ng jueteng maraming taon na ang nakakaraan.
Abangan natin ang mga susunod na balita dahil patatapusin lang daw ang Christmas season bago ang dagdag na mga pasabog ng grupo ng aleng ito na masyadong nag-aambisyon ng mataas na pwesto sa isang ahensiya ng gobyerno.
Ang bida sa ating kwento ngayong umaga ay si Madam S…as in Sandok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.