Miguel, Bianca tinupad ang pangako sa BiGuel fans | Bandera

Miguel, Bianca tinupad ang pangako sa BiGuel fans

- December 19, 2017 - 12:20 AM


MAS makulay, mas malinaw at mas maganda na ang Digital TV signal ng GMA Network sa Mega Manila, dahilan upang mas lalong kagiliwan ng mga Kapuso viewers ang mga inaabangang programa sa GMA at GMA News TV.

Ang mga loyal Kapuso viewers mula sa buong Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya ng Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, at ilang parte ng Pampanga ay maaari nang makapanood ng kanilang paboritong Kapuso shows nang libre mula umaga hanggang gabi sa kanilang digital converter boxes.

Para sa mga Kapuso na may digital TV boxes, mae-enjoy n’yo na ang full digital broadcast ng GMA at GMA News TV in three easy steps: Pindutin ang “Menu”, pumunta sa “Settings”, at sa loob “Installation” piliin ang “Auto Search” o “Auto Scan”.

Hintaying matapos ang scanning. Pindutin ang “OK” o “Exit” at maaari n’yo nang hanapin ang GMA at GMA News TV gamit ang up and down buttons ng inyong remote control.

Para sa karagdagang katanungan at impormasyon tungkol sa digital feed ng GMA, maaaring tumawag sa hotline ng GMA DTV 462-8177, mag-email sa [email protected], bisitahin ang @gmatvsignal Facebook page, o maglog-on sa www.gmanetwork.com/digitalhowto.

Samantala, makakaasa naman ang Kapuso viewers mula sa iba pang parte ng Luzon maging sa Visayas at Mindanao na magiging available din ang digital TV signal ng GMA sa mga nasabing lugar sa nalalapit na panahon.

q q q

Tulad ng ipinangako nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ibang level na nga ang akting na ipinapakita nila sa primetime series na Kambal Karibal sa GMA Telebabad.

Hindi nila binigo ang kanilang fans nang sabihin nila na kakaibang Bianca at Miguel na ang makikita nila sa Kambal, Karibal. Sa katunayan, isa na ito sa mga pinakainaabangang serye sa primetime every night.

Ayon sa viewers, exciting at kakaiba ang tema ng kuwento nito bukod pa sa magagaling na miyembro ng cast. Acting showdown gabi-gabi ang ipinapakita nina Jean Garcia at Carmina Villaroel na gabi-gabing pinabibilib ang mga viewers. Nandiyan din sina Marvin Agustin, Alfred Vargas at Ms. Gloria Romero.

Kapansin-pansin din na hindi pinalampas ng viewers at netizens na bigyan ng papuri ang tambalang BiGuel lalo na nang lumabas na sila bilang sina Diego at Crisanta.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng magka-loveteam at ng buong cast and production ng Kambal Karibal sa lahat ng sumusuporta sa kanilang teleserye na napapanood after Super Ma’am.

q q q

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos ang kanyang pagbibida sa musical play na “Himala: Isang Musikal” na magsisimula na sa February, 2018.

Ito’y sa produksyon ng The Sandbox Collectives. Todo ang pasasalamat sa kanila ni Aicelle sa pagkakapili sa kanya para gampanan ang major character sa movie version nito bilang si Elsa.

Ang Superstar na si Nora Aunor bumida sa pelikulang “Himala” noong 1982 na idinirek ni Ishmael Bernal.

Sey ni Aicelle sa kanyang Instagram post: “Hanggang ngayon hindi pa rin mawari ang pakiramdam…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Salamat po sa biyaya ng HIMALA. Yayakapin na kita. Panginoon, Ikaw na po ang bahala. #SandboxHimala #Feb2018 #amazinggrace!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending