Sikat na aktres galante sa mga taxi driver, laging nagbabayad ng P1K pag 'rumarampa' | Bandera

Sikat na aktres galante sa mga taxi driver, laging nagbabayad ng P1K pag ‘rumarampa’

Cristy Fermin |December 03,2017
facebook
share this

Sikat na aktres galante sa mga taxi driver, laging nagbabayad ng P1K pag ‘rumarampa’

Cristy Fermin - December 03, 2017 - 12:30 AM

KILALANG-KILALA ng mga taxi drivers ang isang pamosong female personality na kung tawagin ng mga ito ay Ms. Generosa. Generous. Mapagbigay ng biyaya.

Nagiging pasahero nila ang babae tuwing madaling-araw kapag pauwi na, pero may mga pagkakataon ding hapon pa lang ay nagpupunta na siya sa isang lugar na maingay, matao at mausok.

Hindi naman kasi maitatago sa kahon ang pagkakakilanlan ng female personality, kahit yata uhuging bata ay kilala siya, pero may kuwento ang maraming piloto tungkol sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nagkukuwentuhan kasi ang mga taxi drivers sa pinagpupuwestuhan nilang lugar nu’ng minsan. ‘Yung female personality nga ang topic nila.

“Nakakatuwa dahil nagkakasundo sila sa pagsasabi na sobrang generous ang lola n’yo. Kahit malapit lang ang pupuntahan niya, e, bonggang-bonggang isang sampal ang ibinibigay niya sa piloto!

“Bukod sa tuwang-tuwa na sila dahil naisakay nila ang idol ng kanilang mga magulang, e, sobra-sobra pa ang ibinibigay niyang bayad!

“Magkano nga lang ba naman kasi ang patak ng metro kung malapit lang ang destination? Wala pang two hundred pesos ‘yun! Pero one thousand pesos ang gibsung niya.

“E, napakalaking biyaya na para sa mga taxi drivers ang malaking tip na ibinibigay niya, pangdagdag na nila ‘yun sa kanilang boundary, di ba?” simulang istorya ng aming impormante.

Magalang kuno sa mga piloto ang babaeng personalidad, kuya ang tawag sa kanila kesehodang bagets pa ang driver, totoo raw palang gumagamit ng po at opo ang pamosong aktres kahit kanino.

“Palagi siyang nakapandong kapag bumababa sa condo unit na tinitirahan niya, nakabalabal na, e, naka-jacket pa, itinatago rin siguro niya ang identity niya sa mataong place na pinupuntahan niya.

“Minsan, e, may kasama siyang becki, minsan naman, e, kasama niya ang lalaking matagal nang nali-link sa kanya, pero ayaw naman nilang umamin na magkarelasyon sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong knows n’yo na po kung sino siya, ano po?

Kailangan pa ba ng himala para lang mahulaan n’yo kung sino siya?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending