Kelvin Miranda inamin ang tunay na feelings kay Kira Balinger

Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 09:22 AM

Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko

Kelvin Miranda at Kira Balinger

SA wakas, nagsalita na si Kelvin Miranda sa naging isyu sa kanila ng dating girlfriend na si Roselle Vytiaco kung saan nadamay nga si Kira Balinger.

Once and for all, ipinagdiinan ng Kapuso actor na hindi niya kailanman niligawan si Kira at walang namagitang something romantic sa pagitan nila ng Kapamilya youngstar.

Matatandaang inakusahan ni Roselle, isang content creator, si Kira na siyang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kelvin na itinanggi na noon ng Kapamilya star.

Baka Bet Mo: #Pasabog2023: Celebrities na ‘naipit’, nasangkot bilang 3rd party sa relasyon

Sa naganap na grand mediacon ng pelikula nina Kelvin at Kira, ang “Chances Are, You and I” nitong nagdaang Lunes, May 13, nagpaliwanag ang Kapuso actor tungkol sa kontrobersya.

Ayon kay Kelvin, dahil sa tindi ng dedication niya sa kanyang trabaho bilang aktor, totoong na-confuse siya sa tunay na feelings niya para kay Kira, habang ginagawa nila ang kanilang movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)


“Yes, confused ako sa reality, kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko or is it just because of my character. I don’t know, pero isa lang ‘yung gusto ko linisin sa isyu na ito.

“Alam din ni Kira, hindi po kami naging kami, para linawin po ang isyu. Wala pong ligawan nangyari,” esplika ni Kelvin.

“Ang hirap pong maging artista. Hindi lang ime-memorize ang lines, hindi lang kakabisaduhin ang blocking, hindi lang makikinig sa direktor.

“Hindi ka naman puppet, kundi isang instrument para kulayan mo ang canvass na binigay sa iyo ng direktor o ng writer, na bigyan mo ng buhay o pakiramdam ang character o ang script.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang isyu ng ‘cheating’

“Sino ba namang tao ang hindi makakaramdam, kung sobrang devoted ka,” ang sabi pa ni Kelvin nang humarap sa members ng showbiz press sa mediacon ng “Chances Are, You And I” na idinirek ni Catherine Camarillo.

Ngunit sabi ni Kelvin, totoo raw ang naramdaman niya kay Kira noong nagsu-shooting sila ng pelikula, “Nagpapakatotoo lang po ako, na yes totoo ang naramdaman ko noon.

“Siguro dala siya ng pagmamahal sa ginagawa ko, respeto ko sa direktor ko, at tiwala sa co-actor ko. Totoo na close kami ni Kira, at walang masama doon dahil pinagkakatiwalaan namin ang isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)


“Then, nangyari ang magic. Pero, wala kaming naging relasyon,” nakangiting sey pa ni Kelvin.

Para naman kay Kira, “Kami po, sa aming actors, if you are a good actor, magiging totoo talaga yung nararamdaman namin kasi kung ganoon kadali ‘yung trabaho namin, e, ‘di kahit sino po makakapag-acting, makakagawa ng movie.

“But it really takes a lot of guts to use your true emotions, to show that, to be vulnerable sa lahat ng cast [and] sa lahat ng production,” dugtong ng dalaga.

Sabi naman si Kira, dahil ang tema ng pelikula nila ay tungkol sa love ay hindi talaga maiiwasan na ma-fall sila sa isa’t isa.

“With Kelvin’s personality and his character and, you know, the nature of our work, beautiful love story, (and) nangyari it just happens. Something happened and before we even know it.

“Pero we didn’t let that affect the quality of our work. We didn’t let that affect our working relationship, so I think that’s what really matters,” paliwanag ni Kira.

Nang tanungin kung may na-feel rin ba siyang “something” para kay Kelvin nu’ng ginagawa nila ang movie, “Meron kaunti, siyempre. Very charming naman si Kelvin and like I said a while ago, nature of our movie was a love story. We have to interact in such a way na nakaka-fall talaga.”

“Sa poster po ng ‘Chances Are, You and I’ ay ako ang demonyo, si Kira po, siya talaga ang angel. She’s like an angel!” birong sabi pa ni Kelvin.

“Hindi naman ako puwedeng magsinungaling sa inyo, dahil tingnan niyo naman si Kelvin, ang pogi niya!” sey naman ni Kira.

Posible kayang mauwi sa tunay na buhay ang kanilang pag-iibigan tulad ng nangyari sa pelikula? Sagot ni Kelvin, “Only time will tell, ‘di ba? Kung magkaroon man kami ulit ng pagkakataon na gumawa ng movie ulit, mas magiging madali na `yon sa amin, kasi meron na kaming pinagsimulan.

“Hindi naman sarado ang pintuan. Ayoko na ring isipin ang masasamang bagay. Ang importante rin ngayon, nandito kami, maayos kami. Friends pa rin kami,” sey pa ni Kelvin.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Chances Are, You And I” simula sa May 29, mula sa Pocket Media Productions, in partnership with Happy Infinite Productions and Pocket Media Films, and to be distributed by Regal Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Tart Carlos, Jin Ho Bae, Anne Feo, Gian Magdangal at Al Tantay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending