Anak ni Robin na si Queenie Padilla hiwalay na sa asawang Pakistani
KINUMPIRMA ng panganay na anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco na si Queenie Padilla na hiwalay na sila ng asawang Pakistani na si Usama Mir.
Idinaan ni Queenie na may Muslim name na Mashel Khadija Mir, ang kanyang announcement sa pamamagitan ng Instagram kahapon, May 14.
Nag-post si Queenie ng photo message sa kanyang IG account kung saan binanggit din niya ang dahilan kung bakit humantong din sa hiwalayan ang kanyang married life.
Baka Bet Mo: Albert Martinez nakatanggap ng tulong pinansyal noon kay Dra. Vicki Belo
Pagbabahagi ni Queenie, “Assalamualaikum, after much thought and consideration my husband and I have decided to seperate due to irreconcilable incompatibility.”
Aniya, ginawa naman daw nila ng asawa ang lahat para ma-save ang kanilang pagsasama ngunit hindi na raw talaga nila ito naisalba.
View this post on Instagram
Sabi pa ng kapatid ni Kylie Padilla, sa kabila ng kanilang paghihiwalay, mananatili pa rin ang pagmamahal at respeto niya sa tatay ng kanyang soloing anak.
Baka Bet Mo: Cristy sumagot sa patutsada ni Liezl: Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya
“This decision wasn’t taken overnight it has been years and months of trying to work things out. I will always have love, honour and respect for the father of my child.
“He’s a great father and responsible human being. Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we’ve had together.
“Thank you for all your support over the years. Please respect our privacy during this difficult time,” aniya pa
Matatandaang inamin ni Queenie noon sa publiko na ikinasal sila ni Usama noong September, 2012.
Pinasok din ni Queenie noon ang showbiz. Nakasama siya sa 2009 series na ‘Totoy Bato’ sa GMA 7 na pinagbidahan ng among si Sen. Robin at sa 2011 movie na ‘Tum, My Pledge of Love,’Nina Robin at Mariel Rodriguez kung saan nakatambal niya si Ejay Falcon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.