Cristy sumagot sa patutsada ni Liezl: Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya Bandera

Cristy sumagot sa patutsada ni Liezl: Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya

Reggee Bonoan |October 27,2021
share this

Cristy sumagot sa patutsada ni Liezl: Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya

Reggee Bonoan October 27, 2021 - 06:25 PM

Cristy sumagot sa patutsada ni Liezl: Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya

NAG-VIRAL sa social media ang pagtatanggol ni Liezl Sicangco sa anak na si Kylie Padilla ng punahin ito ng manunulat na si Cristy Fermin sa programa nito ukol sa buradong post nito sa Twitter.

Sinagot isa-isa ni ‘nay Cristy ang post ng akrtres bukod pa sa pagtawag sa kanya na parang ka-edaran lang.

Anyway, ipinagtanggol nga ni Liezl ang anak laban sa batikang manunulat na lumabas na dito sa BANDERA nitong Martes, Oktubre 26, na sinagot din kaagad ni ‘nay Cristy.

Nagbiro muna ang “Cristy Ferminute” host, “Parang mas gusto ko pang kainin ‘yung pansit ni Jaja kaysa magkomento ako. Pero nire-respeto ko ang nag-text na ito na isang kaibigan.

May nag-text kasing kaibigan si ‘nay Cristy kung ano ang masasabi niya sa pagsawsaw daw ng ina ni Kylie.

“Eto na lang ang isasagot ko, nanay si Liezl Sicangco, nanay din ako. May mga anak kaming pareho.

“Sigurado kapag dalawang puso ang nag-usap, dalawang puso ng mga ina magkakaintindihan,” saad ni ‘nay Cristy.

“Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya. Kung paanong aangat din ako kapag anak ko ang kailangan kong idepensa. Alangan namang ibang tao pa ang kampihan namin, di ba? Kaya naiintindihan ko.

“Ngayon doon sa mga pinagsasabi ni Liezl sa post niya bahala na ang husgado ng bayan ang bumalanse sa mga salitang ipinukol mo sa akin,” dagdag pa ni ‘nay Cristy.

“Saka feeling ko lang ah, hindi tayo magkakaintindihan. Paos ako, humal ka namang magsalita. Di ba ang boses niya parang nanggagaling sa ilalim ng lupa? Parang natatakot ako, tagal na nga akong natatakot sa boses mo. Takot na takot ako.

Ani ‘nay Cristy, “Mauunawaan niya ako bilang nanay, uunawain ko rin siya bilang nanay. Hanggang doon lang po ang masasabi ko.

“Oo maiintindihan ko siya, nanay siya, eh. Kahit sinong nanay na magsalita para ipagtanggol ang kanyang anak, iintindihin ko at may espasyo po ang aking puso para intindihin ang emosyon ng isang ina na tulad ko rin.” Pagtatapos ni ‘nay Cristy.

Related chika:

Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending