Karylle na-trash talk nang subukang maglaro ng ‘Mobile Legends’
INAMIN ng singer-actress na si Karylle ang kanyang mapait na karanasan nang subukan niyang i-explore ang paglalaro ng isang online game.
Sa isang episode ng “It’s Showtime”, naibahagi ng TV host ang kanyang naging karanasan nang subukan niyang laruin ang Mobile Legends upang maka-relate sa asawa niyang si Yael Yuzon.
Nabanggit ni Karylle ang kanyang naging experience dahil natanong ng searchee sa “Expecially For You” ang tungkol sa pangta-trashtalk sa paglalaro ng mobile game.
Ngunit sa unang pagkakataon raw ng kanyang paglalaro ay hindi niya inaasahan na makaktanggap siya ng masasakit na salita sa kanyang mga kalaro.
Baka Bet Mo: Karylle pikon na pikon kay Ryan Bang: Yung asaran namin next level na!
View this post on Instagram
“Na-trash talk kasi ako eh. Sumakit yung damdamin ko. Tinry ko lang naman mag-ML kasi nga si Yael nage-ML,” pagbabahagi ni Yael.
Pagpapatuloy niya, “So nagtatago ako don sa grass, tapos minsan naga-attack ako mag-isa.”
Mayroon daw mga kalaro si Karylle na minura siya habang naglalaro.
“Puntahan ko si Lord, ganyan. Minura ako ng mga teammate ko. Bat kayo ganyan?! Tinry ko lang naman intindihin yung asawa ko eh,” dagdag pa niya.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang kuwento ni Karylle sa kanyang experience.
“Nag try din ako mag ML kase yan lage nilalaro ng asawa ko, ayon nagpaturo ako sa kanya One on One kami ,ang saya magkalaban kaming dalawa walang ibang player para kaming naglalaro ng tagutaguan walang away na nangyayari,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isang netizen, “Cute ni karylle whhhahhaha ganyan din ako nung nag uumpisa ako [laughing emoji] inaaway ako kasi puro buff lang pinapatay ko akala ko isa sa kalaban un , ang malala pa buff ng kakampi hindi ng kalaban ,akala ko talaga sobra na akong nakakatulong sa team [laughing emoji]. Pagod na pagod ako kakapatay ng minions at buff panay balik naman haha.”
“Well, kung katulad kita na sensitive talaga sa mura, better not nalang talaga.. kaya hindi din ako naglalaro nang ML kasi imbes na makahanap kasi ako ng libangan feeling ko mas makakadagdag pa sya sa stress ko …Again pwede mokong murahin sa ibang paraan [laughing emoji] yon bang pawisan,” saad naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.