Kailan manganganak si Maja? Pag sinabi ng doktor push, push na!

Kailan ba manganganak si Maja? ‘Pag sinabi ng doktor push na, push na!’

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Kailan ba manganganak si Maja? ‘Pag sinabi ng doktor push na, push na!’

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 11:04 AM

Kailan ba manganganak si Maja? Pag sinabi ng doktor na push na, push na!

Maja Salvador at Rambo Nuñez

MARAMI ang na-curious kung kailan ba talaga manganganak ang actress-dancer na si Maja Salvador sa panganay nila ng asawang si Rambo Nuñez.

In fairness, atat na atat na rin si Maja na masilayan at makarga ang kanyang magiging first baby at looking forward na rin daw siyang umiri nang bonggang-bongga at manganak.

December last year nang excited na ibandera nina Maja at Rambo sa buong universe na magiging mommy at daddy na rin sila.

Last January, 2024 nang ibahagi naman nila sa kanilang mga supporters sa social media ang ilang kaganapan sa naganap na gender reveal party kung saan nila in-announce na baby girl ang kanilang unang anak.

Baka Bet Mo: Gerald pinaghahandaan na ang pag-aalaga sa mga anak: Gusto ko ring makakita ng malilit na ako

Kasunod nito, marami nga ang nang-uusisa kay Maja kung anong buwan siya manganganak this year. Hindi kasi nababanggit ng aktres at TV host kung kailan talaga ang kanyang due date.”

Sa isang TikTok video ni Maja na napanood namin, sinagot nga niya ang tanong kung kailan ba talaga niya isisilang ang baby girl nila ni Rambo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA SALVADOR (@maja)


Chika ng dating “Eat Bulaga” Dabarkads at “Open 24/7 star, “Alam mo, tanong ko rin yan, kailan ba ako manganganak?”

“Siyempre kapag sinabi na ng doctor na push na, push na!” masayang hirit ni Majs.

Tiningnan naman niya ang kanyang belly at sinabihan ang anak na, “’Di ba, baby? Push to believe it. PUSH IT TO BELIEVE IT???”

Baka Bet Mo: Kilalang aktor at aktres todo tago pa rin sa tunay na relasyon; wala pang balak umamin

Bilang first-time mom, may mga  adjustments daw siyang ginagawa para mas maging healthy and safe ang kanyang pregnancy.

“Ako nu’ng first month and second month, hindi ko itatanggi na from sobrang workaholic ko or sa andami kong ginagawa every day in my life, cut to nakahiga lang ako.

“Nakahiga, hindi dahil hindi okay yung kapit. Strong si baby. Okay yung position niya, mataas daw, yung lining ko, yung kapit niya okay, so thank you Lord.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro sa sobrang strong niya, grabe yung nausea ko, grabe yung morning sickness ko na all-day sickness siya, ‘di siya talaga morning sickness, so hindi ako makatayo,” pahayag ni Maja sa isang interview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending