Gerald pinaghahandaan na ang pag-aalaga sa mga anak: Gusto ko ring makakita ng malilit na ako | Bandera

Gerald pinaghahandaan na ang pag-aalaga sa mga anak: Gusto ko ring makakita ng malilit na ako

Ervin Santiago |March 12,2021
facebook
share this

Gerald pinaghahandaan na ang pag-aalaga sa mga anak: Gusto ko ring makakita ng malilit na ako

Ervin Santiago - March 12, 2021 - 09:05 AM
PUSH lang nang push! Yan ang motto ngayon ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson sa kanyang buhay at career ngayong 32 years old na siya.

Ngayong 2021, itotodo na raw ng binata ang kanyang powers para maabot at matupad ang iba pa niyang pangarap bilang paghahanda na rin sa future at sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

Isa sa mga aabangang project ng boyfriend ni Julia Barretto this year ay ang upcoming Kapamilya series na “Init Sa Magdamag” kasama sina  Yam Concepcion at JM de Guzman.

“Ever since naman mataas na yung standards ko sa sarili ko. No one will ever push me more than I push myself. Kumbaga lalo na pagdating sa trabaho ko,” sey ni Gerald sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga may bagong show na ipalalabas and dahil sa bagong protocols sa taping mas mahirap na yung taping namin ngayon dahil wala ng uwian.

“We’re there for almost one month, three weeks. So I always have to give my best no matter what I do. And ganu’n din sa personal life ko. I’m just improving,” chika pa ng kontrobersyal na aktor.

Sa nasabi ring panayam, nabanggit ni Gerald na talagang pinaghahandaan na niya ang kanyang future family, lalo na ang pagiging daddy.

“Siguro timing ng buhay natin, eh. Alam na rin natin yun na parang pag mas malapit na ako du’n, eh. And kumbaga gusto ko rin makakita ng malilit na ako, alam mo yun? Yung mga aalagaan ko rin.

“It will also give me yung extra motivation rin to work at pagbutihin ko yung trabaho ko. Ako I think yun rin yung purpose ng buhay nating lahat, di ba? Is to bring life also sa mundo na ‘to.

“And as men, provide for our families. Timing din ng buhay. Sabay-sabay nangyari, yung sa edad ko, pandemic,” sey pa ni Gerald.

Nang matanong kung ano ang sikreto niya at tumagal siya ng 14 years sa showbiz, “hard work” at disiplina raw talaga ang kailangan bukod sa talent.

“I think stamina rin yung labanan. Hindi lang yan pagalingan umarte or talent mo sa buhay. It takes stamina. Sa tingin ko yun yung nakikita din nila,” natawang sagot ng hunk actor.

Samantala, mukhang wala namang planong sumagot o pumatol sa mga haters ang binata na walang tigil sa pamba-bash sa kanila ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gitna ng pangnenega ng madlang pipol sa relasyon nila ng dalaga, nananatiling cool at dedma lang si Gerald. Marahil, iniisip niya na kapag sinagot pa niya ang nga ito ay mas lalo lang silang pag-iinitan ng netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending