Gerald kay Ai Ai: Pag kayo na ang para sa isa’t isa, kayo talaga hanggang simbahan! | Bandera

Gerald kay Ai Ai: Pag kayo na ang para sa isa’t isa, kayo talaga hanggang simbahan!

Cristy Fermin - December 01, 2017 - 12:25 AM

GERALD SIBAYAN AT AI AI DELAS ALAS

HABANG papalapit ang takdang petsa ng kanilang pagpapakasal ay lalong binabalot ng kaligayahan sina Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas. Plantsado na ang lahat, lalakad na lang sila sa altar, at pagkatapos ay honeymoon na ang kasunod nu’n.

Hindi mailarawan ni Gerald ang nararamdaman niya ngayon. Naging magkaibigan muna sila nang matagal ng Comedy Concert Queen, nagkapalagayan sila ng loob sa badminton court, hanggang sa magkaintindihan na ang kanilang mga puso.

Kahit si Gerald ay nagtataka-nagtatanong sa kauuwian ng kanilang relasyon ng sikat ng komedyante, sa altar nga naman ‘yun hahantong, isang pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi niya inasahang magaganap.

“Basta, hanggang ngayon po, parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Four years na kaming magkarelasyon, ang dami-dami na naming pinagdaanan, marami na rin po akong natikmang masasakit na salita.

Pero ganu’n pala ‘yun. Kapag kayo talaga ang para sa isa’t isa, gagawa ng paraan ang panahon para maging kayo na talaga hanggang simbahan,” nahihiyang pahayag ng magaling na badminton coach ng iba-ibang unibersidad.

At tama si Gerald Sibayan, hindi problema ang malaking agwat ng edad ng mga nagmamahalan, nababalewala ‘yun kapag puso na ang nagdesisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending