Sulat mula kay Rebecca ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Dati malakas ang tindahan namin, pero dahil sa maraming nangungutang na hindi nagsipagbayad, unti-unting naubos ang puhunan namin at sa ngayon wala na halos laman ang tindahan. Para magkalaman, nangungutang na lang kami sa “five-six” kaya lang dahil malaki ang tubo, wala din sa aming natitira. Gusto ko sanang mapaunlad uli ang aming tindahan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May pag-asa pa ba itong lumakas uli o mas mabuting isara ko na lang ng tuluyan at mamasukan na lang uli ako bilang tindera sa palengke? January 14, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Rebecca ng Lanao Del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tuwid naman o Straight Line ang Head Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin basta’t ituloy mo lang ng ituloy ang pagtitinda, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran muli mong mapapalakas ang inyong tindahan, basta wag ka na lang uli uutang sa “five-six”. Sa halip, hintayn mo ang tulong na nakatakdang dumating sa iyo bago sumapit ang Pasko sa buwan din ng Disyembre. Oo may magpapahiram sa iyo ng puhunan na walang tubo ni anupaman.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Queen of Diamonds at Five of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2018, sa buwan ng Mayo, uunlad na uli ang tindahan mo sa pamamagitan ng isang babaing malapit din sa inyo na magpapautang sa iyo ng puhunan ng walang patubo.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.