KMJS ni Jessica Soho numero uno pa rin sa GMA 7, 'Gabi Ng Lagim' humataw | Bandera

KMJS ni Jessica Soho numero uno pa rin sa GMA 7, ‘Gabi Ng Lagim’ humataw

- November 06, 2017 - 12:15 AM


SOLID na solid pa rin ang pagtutok ng Kapuso viewers sa mga programa ng GMA Network, patunay diyan ang pananatili nitong wagi sa TV ratings sa buong bansa ayon sa latest data ng Nielsen Phililippines TV Audience Measurement.

Sa kabuuan ng Oktubre (base sa overnight data ang Okt. 22 hanggang 31), nakakuha ang GMA ng 42% total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM).
Hindi maikakailang mas tinutukan ng manonood ang Kapuso programs mula umaga hanggang gabi sa NUTAM. Sa morning block, naka-38.8% people audience share ang GMA kumpara sa 35.7 ng kabilang network.

Bonggang-bongga rin ang afternoon line-up ng GMA na nakakuha naman ng 45.8% sa nasabing time block. Hanggang sa evening block ay panalo pa rin ang GMA na may 40.4%.

Karamihan sa mga nakapasok sa listahan ng top-rating programs sa NUTAM ay nagmula sa GMA kung saan nangunguna pa rin bilang most-watched Kapuso show ang Kapuso Mo, Jessica Soho. Nitong nakaraang Linggo, nagpalabas ng Halloween Special ang KMJS na pinamagatang “Gabi Ng Lagim” na inabangan ng maraming manonood dahil sa makatindig-balahibo nitong mga kwentong angkop sa panahon ng Undas.

Nanatili rin ang mga suki sa top-rating programs list na Pepito Manaloto ni Michael V; 24 Oras; Daig Kayo Ng Lola Ko; Magpakailanman; Super Ma’am ni Marian Rivera; All-Star Videoke; 24 Oras Weekend; at Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.

Hindi rin nagpahuli sa listahan ang iba pang mga paboritong GMA shows tulad ng Eat Bulaga nina Tito, Vic & Joey, Wowowin ni Willie Revillame; Ika-6 na Utos ni Sunshine Dizon; My Korean Jagiya ni Heart Evangelista; Imbestigador ni Mike Enriquez; Sunday PinaSaya; Impostora; Tadhana at GMA Blockbusters.

Samantala, nanaig din ang lakas ng Kapuso Network sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 76 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa. Sa Urban Luzon, nagtala ng 47.3% average total day people audience share ang GMA.

Panalong-panalo naman ang GMA sa Mega Manila (ayon sa data mula October 1 hanggang 21) kung saan 48.8% ang average total day people audience share nito.

Sa top programs list ng Urban Luzon, siyam na Kapuso shows ang nakapasok sa top 10 habang pinakyaw pa rin ng GMA ang buong top 10 spots sa Mega Manila.

Speaking of Alyas Robin Hood 2, tuluy-tuloy pa rin ang maaaksyon at madadramang eksena sa nangungunang primetime series ng GMA. Ngayong linggo, mas kaabang-abang ang mga susunod na episodes sa pagpapatuloy ni Pepe sa mga nasimulan niyang misyon.

Kaya huwag na huwag na kayong bibitiw sa paboritong tambayan ng mga naaapi at inaagrabyado, ang ARH 2 sa GMA Telebabad after Super Ma’am.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending