Financial assistance sa mga nawalan ng trabaho sa K-12
MAKATATANGGAP ng karagdagang tulong ang mga teaching and non-teaching personnel sa mga higher education institutions (HEI) na nawalan ng trabaho dahil sa implementasyon ng K to 12 program.
Batay sa Department Order No. 177 na ipatutupad simula Oktubre 16, itinataas nito ang halaga ng tulong pinansyal sa mga HEI personnel na nawalan ng trabaho. Inamyendahan ng bagong kautusan ang DO 152-16 o ang Guidelines in the Implementation of K to 12 DOLE Adjustment Measures Program.
Ilan sa mga binago sa nasabing department order ay ang pagpapalawig ng saklaw ng programa, pagpapahaba ng panahon upang makapag-aplay, pagdaragdag sa halaga ng tulong pinansyal, at probisyon ng differential financial support na batay sa bagong pagkalkula sa tulong pinansyal.
Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap na ng tulong na katumbas ng P10,000, 75 porsiyento ng huling buwanang suweldo ng aplikante, o batay sa median salary ng HEI personnel, kung ano ang mas mataas.
Kabilang na rin sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng programang K to 12 DOLE AMP ay ang mga kumuha ng early retirement program at voluntary separation program, at maging ang mga mayroong kontrata na hindi na na-renew, at ang mga namamasukan pa ngunit sumasailalim sa suspensyon sa trabaho.
Saklaw na rin ng K to 12 DOLE AMP ang mga HEI personnel na nawalan ng trabaho sa pagitan ng Mayo 30, 2014, ang araw ng pagpapalabas ng DOLE-DepEd-TESDA-CHED Joint Guidelines, at hanggang sa katapusan ng academic year 2021-2022.
Upang mapaiksi ang proseso ng aplikasyon at mas marami pa ang makalap na benepisyaryo, ang anim na documentary requirements ay ginawa na lamang na apat, at ang panahon ng aplikasyon ay pinalawig pa mula isa buwan hanggang sa isang taon.
Ang mga documentary requirements ay ang K to 12 DOLE AMP application form; Certificate of Displacement, o kopya ng complaint na tinanggap ng National Labor Relations Commission (NLRC), kung ang benepisyaryo ay nagsumite na ng kaso sa NLRC; Certificate of Employment and Compensation; at iba pang government-issued identification card.
Dapat na personal na magsumite ng kanilang kumpletong documentary requirements ang sinumang aplikante sa saan mang DOLE Regional o Field Offices ng hindi lalagpas ng isang (1) taon mula sa araw ng pagkakatanggal sa trabaho; habang ang mga HEI personnel na nawalan ng trabaho bago ang pagpapalabas ng D.O. 177 ay binibigyan ng isang (1) taon mula ng pag-anunsyo nito upang mag-aplay.
Para naman sa mga totally displaced beneficiaries na patuloy na makatanggap ng tulong pinansyal, dapat silang makasunod sa conditional requirement na isang proof of active job search o “job contact” ang kinakailangan.
Ang bagong kautusan ay retroactive hanggang Mayo 30, 2014. Ang mga kasalukuyang benepisyaryo at ang mga nakatapos na sa programa ay makatatanggap ng differential financial support batay sa bagong financial support computation.
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.