Arellano Chiefs nanatiling palaban sa Final Four | Bandera

Arellano Chiefs nanatiling palaban sa Final Four

Angelito Oredo - October 12, 2017 - 08:42 PM


Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
12 n.n. Mapua vs San Sebastian
2 p.m. San Beda vs Letran
4 p.m. JRU vs Lyceum

Team Standings: *Lyceum (16-0); *San Beda (15-1); *JRU (11-6); Letran (8-8); Arellano (8-9); San Sebastian (7-9); EAC (6-11); Perpetual Help (4-12); St. Benilde (4-13); Mapua (3-13)
* – semifinalists

BINALEWALA ng Arellano University Chiefs ang pagkawala ni Kent Salado para panatiliing buhay ang tsansa sa Final Four sa tuluyang pagpapatalsik sa University of Perpetual Help Altas, 62-52, sa ikalawang round ng eliminasyon ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament Huwebes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Sinandigan ng Chiefs ang matinding depensa sa ikalawang yugto pati na si Lervin Flores na nagtala ng 19 puntos, walong rebound, dalawang assist, isang steal at apat na block upang panatiliing buhay ang tsansa ng koponan na makaagaw ng posibleng playoff para sa ikaapat na silya sa Final Four.

Naghabol ang Chiefs sa unang yugto, 14-17, bago nito nilimitahan lamang sa anim na puntos ang Altas sa ikalawang yugto sa paghulog ng 15 puntos para kapitan ang 29-23 abante sa halftime.

Naghulog pa ang Arellano ng 19 puntos sa ikatlong yugto kontra sa 11 puntos ng Perpetual para itala ang pinakamalaki nitong abante na 20 puntos, 46-26, bago na hinayaan makahabol ang Altas sa ikaapat at huling yugto na nakalapit sa hanggang 10 puntos.

Tumulong naman si Rence Alcoriza sa pagtala ng 16 puntos, pitong rebound at isang steal habang si Levi Dela Cruz ay may 11 puntos, apat na rebound, apat na assist, isang steal at dalawang block para sa Arellano na umangat sa kabuuang 8-8 panalo-talong kartada.

Nalasap naman ng Altas ang ika-12 kabiguan kontra sa apat lamang na panalo.

Samantala sinandalan ng College St. Benilde Blazers ang matinding paglalaro ng Senegalese na si Clement Leutcheu para tuluyang sibakin ang Emilio Aguinaldo College Generals sa pagtala ng 94-84 panalo sa overtime.

Nagtala si Leutcheu ng 24 puntos at 14 rebounds para sa Blazers na nauwi ang ikaapat na panalo at tuluyang pinatalsik ang Generals sa Final Four contention matapos itong patikimin ng ika-11 pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending