Nanay nagpasabog ng good vibes sa socmed matapos batiin ang anak na nag-graduate sa Senior High: 'Congrats anak, katapusan mo na' | Bandera

Nanay nagpasabog ng good vibes sa socmed matapos batiin ang anak na nag-graduate sa Senior High: ‘Congrats anak, katapusan mo na’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 07:40 AM

Nanay nagpasabog ng good vibes sa socmed matapos batiin ang anak na nag-graduate sa Senior High: 'Congrats anak, katapusan mo na'

Robert Zin Pecencio

VIRAL na ang simple pero nakakalokang graduation greeting ng isang nanay para sa kanyang pinakamamahal na anak.

Naghatid ng good vibes sa social media ang ipinost na pagbati ni Nanay Eliza Pecenio nang nagtapos ang kanyang anak na si Robert Zin Pecencio sa Senior High School mula sa Arellano University.

Ibinahagi ng proud nanay ang litrato ng anak sa Facebook na nakasuot ng toga at kuha nga sa graduation nito bilang SHS completer ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand.

Ang caption na inilagay ni Nanay Eliza sa litrato ni Zin ay, “Congrats anak, katapusan (mo na).”

At dahil nga rito, bumuhos ang mga nakakatuwa at nakaaaliw na comments sa FB post ng viral na nanay. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens.

“Hahahaha katapusan mo na pala eh!”

“Congratulations. na kaka good vibes ung caption insan kala ko kung ano na graduate Pala pamangkin ko.”

“RIP = Rest In Pabaon!”

“Knock, knock, huwag po muna bata pa siya, magka-college pa siya hahaha.”

“Nakakagulat sobrang popular na haha.”

“Parang yayariin ka ng nanay mo hahaha.”

“Nakakatakot pala gumraduate hahaha.”

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

Samantala, nag-post din si Xin ng kanyang mensahe sa Facebook kung saan pinatunayan niyang hindi naging madali para sa kanya ang makatapos ng SHS. Pero in fairness, nagtapos pa rin siya bilang honor student.

“Long story short It was a bad time, long story short I survived…

“My time in senior high school is now officially over. I have so much delight in my heart right now that words forsake me. To close this chapter with these achievements is really compelling.”

“Despite the difficulties I’ve faced during my twelve years of education, I still find it hard to believe that I was successful. Even though it’s difficult, at least I have my brothers who have never deserted me and who constantly encourage me in all I do.”

“Also expressing my gratitude to my buddies including Jamaica, Chris Jae, Nich, Jorenz, and others. Thank you so much, guys! I love you all so much, and congratulations to all of the grads! Good luck on your future endeavors,” ang kabuuang pahayag ni Zin.

Dina inisip na katapusan na niya nang magka-COVID: ‘I cannot walk, nanginginig buong legs ko… what’s happening to me?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending