Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa 'Kinsenas, Katapusan': Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin? Bandera

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Reggee Bonoan |January 08,2022
share this

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Reggee Bonoan January 08, 2022 - 06:29 PM

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa 'Kinsenas, Katapusan': Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

ANG suwerte ng baguhang sexy star na si Ayanna Misola dahil pinagkatiwalaan siya ng Viva bosses sa pelikulang “Kinsenas, Katapusan” kasama sina Joko Diaz, Jamila Obispo, Angela Morena, Janelle Tee at Kier Legaspi mula sa direksyon ni GB Sampedro produced ng Viva Films.

Naisip siguro nina boss Vic at Vincent del Rosario na kaya na ni Ayanna magdala ng pelikula dahil maganda ang ipinakita niya sa mga pelikulang “#Pornstar 2: Pangalawang Putok” at “Siklo” na kasalukuyang umeere ngayon sa Vivamax.

Sa ginanap na “Kinsenas, Katapusan” virtual mediacon ay nagulat ang sexy star nang sabihin sa kanya ng Viva na siya ang napiling bida para sa naturang pelikula.

At inamin ni Ayanna na kinabahan siya ng todo, “Sabi ko sa sarili ko, ‘pano ‘to, sa akin naka-focus ang story? Paano ko gagawin?’ Pero nun’g nabasa ko naman po ‘yung script, tapos dumating na ‘ko sa set, naihanda naman po ako nila direk GB. Kasi ginagabayan nila ako bawat scenes ko.”

Sexy-psycho thriller ang kuwento ng “Kinsenas, Katapusan” at kay Ayanna naka-focus ang story at maraming challenging scenes kaya nahirapan daw siya sa eksenang kailangan niyang umiyak ng patak lang ang luha.

“’Yung pang mala-Nora Aunor na iyak,” natawang banggit ng dalaga.

Pati mga love scenes niya rito ay mas matindi raw kaysa sa “Siklo”, “malala po kasi mas intense, sa akin naka-focus ‘yung story, puro daring scenes. Pero feeling ko naman, mas na-improve ko rin ‘yung sarili ko dahil natuto na ‘ko ru’n sa mga previous projects ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna Misola (@ayannamisola)

Good thing at napasama na si Ayanna sa “Pornstar 2” na pawang beterana na ang mga artistang bida roon tulad nina Rosanna Roces, Maui Taylor, Ara Mina at Alma Moreno na idinirek ni Darryl Yap.

Ang learnings ni Ayanna mula sa ibang movies niya na nadala niya sa “Kinsenas, Katapusan” set, “learnings ko po ay kung paano mag internalize, paano isuot ang karakter. Tapos dito ang dami ko pong natutunan kay direk GB, sobrang saya po nu’ng experience.”

Napuri naman nina Kier at Joko ang mga baguhang sexy stars na kasama nila sa pelikula dahil walang mga ere, maagang dumating sa set at nagbibigay ng respeto sa mga senior star.

Natanong naman si Ayanna kung ano ang mga na-discover niya sa senior stars na kasama sa “Kinsenas, Katapusan”.

“Gina-guide po kami ni kuya Joko sa bawa’t scene, ayaw niya ng kinakabahan ka. Ginagawa niya lahat para maging comfortable kami. Kasi ‘yung mga eksena namin dito puro bare. Sa tuwing magsi-scene (bed scene) nagjo-joke na si kuya Joko (para mawala ang kaba), tapos pag take na bigay na talaga,” ng dalaga.

Ang karakter ni Ayanna ay isang batang babae na may madilim na nakaraan at nagkaroon ng illicit affair sa isang married man na ginagampanan ni Joko Diaz.

Anyway, mapapanood na ang “Kinsenas, Katapusan” sa Pebrero 4 sa Vivamax handog ng Viva Films.

 

Related Chika:
Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending