Vivamax star gustong gawing kabit ng sikat at tisoy na aktor

Vivamax star gustong gawing kabit ng sikat at tisoy na aktor, binasted

Ervin Santiago - November 10, 2024 - 10:35 AM

Vivamax star gustong gawing kabit ng sikat at tisoy na aktor, binasted

NAKAKALOKA ang rebelasyon ng Vivamax Bombshell na si Athena Red tungkol sa isang sikat na aktor na gusto raw siyang gawing kabit.

Sa presscon ng bagong VMX Original Movie na “Kabitan”, inamin niyang may isang kilalang male celebrity na nanligaw sa kanya pero hindi niya sinagot.

Tinanong namin si Athena at ang iba pang cast members ng “Kabitan” pati na ang direktor ng pelikula na si Sigrid Polon, kung papayag ba silang maging kabit sa tunay na buhay

Ayon kay Athena, never siyang papayag na maging other woman dahil hindi niya raw ito deserve. Mas gusto pa rin niya ang magkaroon ng dyowang walang sabit at matatawag niyang kanyang-kanya lang.

Pambubuking ng sexy star, may matangkad at tisoy na aktor na pumorma sa kanya na alam niyang may dyowa na. Napapanood daw ang naturang male star sa Kapuso network pero lumalabas din ito sa ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

Pinilit namin si Athena na pangalanan ang aktor pero talagang ayaw niya itong i-reveal. May mga binanggit kaming names mula sa GMA, ABS-CBN at TV5 pero laugh lang nang laugh ang dalaga.

Sinundot pa namin ito ng tanong kung payag pa ba siyang dyowain ang nasabing aktor kapag single na ito at nahiwalay na sa kanyang girlfriend. “Pwede naman. Ha-hahaha! Basta wala na siyang sabit. Ayoko talagang maging kabit.”

Samantala, handa na ang mga kababaihan na bumida at magpasabog sa dalawang bagong VMX movies ngayong November, ang “Kabitan” at “Pukpok.”

Dalawang babae na kapwa kabit ay magkakaroon ng mainit na relasyon. Ito na ba ang pag-ibig na tunay na magpapaligaya sa kanila? Mula sa direksyon ni Sigrid Polon, mapapanood ang “Kabitan” simula November 12, 2024.

Si Athena Red ay gumaganap bilang si Alice. Nakaka-intimidate ang ganda nito, pero mababanaag ang kalungkutan sa kanyang mukha. Nakatira ito sa isang condo na nagsisilbing love nest nila ng kanyang boyfriend na may asawa.

Si Alessandra Cruz ay si Mika. Bagong-lipat ito sa katapat na unit ni Alice, at dahil sa ingay niya sa paglilipat ay napansin agad siya ni Alice.

Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magkita sila sa labas ng kanilang unit. Aaminin din ni Mika na isa rin siyang kabit, pero ‘di tulad ni Alice, si Mika ay nasa honeymoon stage pa sa kanyang boyfriend na si Van. Papayuhan naman ni Alice si Mika kung paano mananatiling baliw sa kanya ang boyfriend nito.

Pero dahil hindi pa rin prayoridad ang mga kabit, maraming panahon na mag-isa si Mika tuwing espesyal na okasyon. Si Alice lang ang nandiyan para sa kanya.

“Aaminin ni Alice na may gusto ito sa kanya. Magkaka-relasyon na nga ang dalawa kahit tuloy pa rin ang kanilang pagiging kabit sa mga karelasyon nilang lalaki.

Laking gulat ni Mika nang makipaghiwalay si Van sa asawa niya at siya ang piniling makasama. Paano na si Alice?

Sa dami ng komplikasyong pinagdaanan nila sa pag-ibig, paano haharapin ng dalawang bida ang sitwasyong ito? Sundan ang kwentong “Kabitan”, kasama rin sina Juan Paulo Calma at Chester Grecia.

Sa November 22 naman, abangan ang isang mapang-akit at mapanuksong laro tampok si Allison Smith sa “Pukpok”, mula sa direksyon ni Christopher Novabos.

Gagampanan ni Smith ang papel ni Jennilyn, isang sekretarya sa isang construction site na may itinatagong sikreto: kasabwat siyang magnakaw at magbenta ng construction materials kasama ang gwardiya ng site.

Dahil sa kanyang alindog, mapupukaw din niya ang atensyon ng mga may-ari ng site, ang magkapatid na Christian (Rash Flores) at Richard (Seon Woo Kim). Bukod sa paggamit sa kanyang kagandahan, kaya rin ni Jennilyn na ipahamak ang iba para sa sariling kapakinabangan.

Sasamantalahin ni Jennilyn ang problema ni Christian sa kanyang asawa para makuha ang kanyang tiwala at lalo pang palawakin ang sariling interes.

Ngunit nang makikilala ni Jennilyn si Randy (Mon Mendoza), bagong construction worker na mag-aapply ng trabaho sa site, lalo pang tataas ang kanyang ambisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magpaplano ang dalawa na magnakaw ng mas malaking halaga, dahilan para lalo pang akitin ni Jennilyn si Christian at makuha ang mga mahalagang impormasyong kailangan niya.

Makukuha kaya ni Jennilyn ang lahat ng kanyang gusto dahil sa kanyang panlilinlang, o magdudulot lamang ito sa kanya ng matinding kapahamakan? Alamin ang kahahantungan ni Jennilyn sa “Pukpok,” eksklusibong mapapanood sa VMX.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending