#GoodVibesLang: Mag-inang magkaklase sabay na nagtapos ng senior high school sa Negros Oriental | Bandera

#GoodVibesLang: Mag-inang magkaklase sabay na nagtapos ng senior high school sa Negros Oriental

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 07:45 AM

Maria Cecilia Cadiz at John Gabriel Cadiz

MAGKASABAY na nagtapos sa senior high school ang mag-inang Maria Cecilia Cadiz, 59, at bunsong anak niyang si John Gabriel, 16.

Pinusuan at umani ng libu-libong likes at comments ang graduation photos ng magnanay nang mag-viral ito sa Facebook kamakailan.

Nitong nagdaang July 2, sabay na nag-graduate sina Mrs. Cadiz at John Gabriel sa secondary high school ng Bais City National High School, Negros Oriental.

Makikita ang kanilang graduation pictures sa Bais City Senior High School Facebook page kasama ang iba pa nilang classmates. Bukod sa sandamakmak na likes, bumuhos din ang congratulatory message para sa mag-ina.

Kuwento ni Mrs. Cadiz, magkaklase sila ng bunsong anak kaya magkasabay din silang nag-aaral at gumagawa ng assignments noon. Nagtutulungan daw talaga sila ni John sa pagsagot ng mga module.

Aniya, hindi naging madali para sa kanya ang bumalik sa eskwela sa kanyang edad pero pinanindigan niya ito para sa katuparan ng kanyang pangarap na makapagtapos.

Sabi pa ng ginang, pinagsabay-sabay niya talaga ang pagiging nanay, estudyante, at ang pagtitinda ng mga gulay sa palengke.

Kuwento pa ni Cecilia, napilitan siyang tumigil noon sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Tinulungan din niya ang tatay na mangingisda para mas tumaas ang kita nito.

“Magkasabay po kaming walong magkakapatid, pero wala kaming pera kaya nahinto po ako sa pag-eskwela,” kuwento ng ginang sa panayam ng ABS-CBN.

Pero taong 2017 nga ay nagdesisyon si Cecilia na bumalik sa eskwelahan dahil na rin sa pagkumbinsi sa kanya ng mga guro kapag inihahatid ang mga anak.

Matapos sumailalim sa Alternative Learning System o ALS (ang inaalok na education system sa mga hindi nakapagtapos sa tradisyunal na pag-aaral), nag-enroll na rin siya sa senior high school kasabay ni John.

Kuwento niya nang nmagsimula nang pumasok, “Tinitingnan po nila ako (mga guro at estudyante), siguro nanibago lang po at hindi makapaniwala na may kamag-aral silang ka-edad ko.”

Balak din ni Cecilia na mag-college at kumuha ng kursong Education dahil matagal na niyang pangarap ang maging guro habang ang bunso niyang si John Gabriel ay nais mag-enroll sa food technology course.

https://bandera.inquirer.net/317008/groom-niregaluhan-ng-p1-m-ng-kanyang-bride-inakalang-prank-kaya-hindi-naniwala-agad-iiskamin-mo-pa-ko

https://bandera.inquirer.net/279761/sarah-nakipag-ayos-na-kay-mommy-divine-tanggap-na-kaya-ng-pamilya-geronimo-si-matteo

https://bandera.inquirer.net/303599/gretchen-claudine-maayos-ang-relasyon-you-are-the-most-beautiful-to-me-my-love

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending