Red Lions, Pirates ilalatag ang NCAA Finals rematch | Bandera

Red Lions, Pirates ilalatag ang NCAA Finals rematch

Melvin Sarangay - October 26, 2018 - 12:06 AM

 

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
1:30 p.m. Lyceum vs Letran
4 p.m. San Beda vs Perpetual

ILALATAG ng defending champion San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philippines University Pirates ang ikalawang sunod na Finals duel habang magpipilit naman ang Letran College Knights at season host University of Perpetual Help Altas na makapuwersa ng rubbermatch sa paglarga ng NCAA Season 94 men’s basketball Final Four ngayon sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Kailangan lang manalo ng Red Lions at Pirates sa kani-kanilang laro ngayon para muling magsalpukan para sa korona habang hangad naman ng Knights at Altas na makapuwersa ng do-or-die match sa kanilang serye sa Lunes.

Hawak ang twice-to-beat advantage, asinta ng Red Lions at Pirates na tapusin agad ang kanilang semis matchup kontra Altas at Knights.

Unang maghaharap ang No. 2 seed Pirates at No. 3 Knights sa kanilang ala-1:30 ng hapon habang magsasagupa naman ang top seed Red Lions at No. 4 Altas sa alas-4 ng hapon.

Winalis ng San Beda sa kanilang paghaharap sa elimination round ang Perpetual habang naghati naman sa panalo Lyceum at Letran sa kanilang salpukan sa double round elims.

“This is the time that you take away all the records and your stats,” sabi ni San Beda coach Boyet Fernandez. “Iba na ang laro sa semifinals. We just can’t give them a chance even if we have a twice-to-beat advantage.”

Sasandalan ni Fernandez sina Robert Bolick, Javee Mocon, Donald Tankoua at rookie James Canlas para pamunuan ang Red Lions kontra Altas.

Sasandigan ni Perpetual head coach Frankie Lim si Prince Eze para makahirit ng winner-take-all match laban sa San Beda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aasahan naman ni Lyceum coach Topex Robinson si Season 93 MVP CJ Perez para pamunuan ang Pirates habang si Letran mentor Jeff Napa ay sasandalan sina Bong Quinto at JP Calvo para pangunahan ang Knights.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending