Dingdong emosyonal nang makita ang lumang picture ni Ziggy; may promise sa 2 anak
NAGING emosyonal na naman ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes nang makita ang mga lumang litrato ng kanyang pamilya.
Hindi napigilan ng mister ni Marian Rivera ang mag-feeling nostalgic lalo na nang muling masilayan ang dating pictures ni Sixto “Ziggy” Dantes.
Naalala pa raw niya yung araw nang una niyang gupitan ang bunsong anak at napakabilis daw talagang tumakbo ng panahon. Ipinost ni Dingdong ang throwback photo nila ni Ziggy sa Instagram.
Aniya sa caption, “I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo.
“I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two,” sabi pa ng premyadong aktor patungkol kay Baby Ziggy na turning two years old na sa April 16.
Patuloy pa ni Dong, “So many things have happened, so many realizations, and so many challenges such as this pandemic that we have to fight as a nation.
“It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z (Zia Dantes) the renewed and strengthen version of values and principles of humanity,” dagdag pang mensahe ng 3rd EDDYS best actor winner.
* * *
Talagang bagay na “keeping it good” ang tema ng GTV dahil sa magandang line-up nito ng shows. Pero wait, there’s more.
Sa halos 100 new shows kasi na ni-reveal ng Kapuso Network recently ay pasok din dito ang mga paparating na programang dapat abangan sa GTV.
Isa sa mga ito ang tiyak na magiging “lit” para sa Gen Z na “FLEX,” headlined by Mavy Legaspi, Lexy Gonzales, Joaquin Domagoso and Althea Ablan.
Nariyan din ang romance-mystery mini-series na “Love You Stranger” ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Mukhang exciting din panoorin ang “Jowa Sessions,” “Boarding House,” “The Write One,” “Dreamland Hotel,” and “Sana All.”
Tiyak namang mapapatawa ang viewers ng “Ate Girls,” “Hapi and Gee,” at “Basketboys.”
Marami na rin ang nag-aabang sa airing ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa GTV. Sisimulan ito ng GMA Synergy-produced primer na “Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96,” at susundan na ng maaksyong pagbubukas ng NCAA Season 96 Opening Ceremony TV Special at ng sporting events sa “Rise Up Stronger: NCAA Season 96.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.