Altas giniba ang Stags sa NCAA men’s volleyball | Bandera

Altas giniba ang Stags sa NCAA men’s volleyball

Melvin Sarangay - January 14, 2019 - 09:05 PM


NILAMPASO ng University of Perpetual Help System Dalta ang San Sebastian College, 25-19, 25-20, 25-21, para lumapit sa pagtuntong sa finals sa ikalawang sunod na taon sa kanilang NCAA Season 94 men’s volleyball game Lunes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Nagpamalas ang Season 93 Rookie-MVP na si Joebert Almodiel ng all-around na paglalaro para magtapos na may match-high 18 puntos kabilang ang 13 mula sa kills at apat mula sa service ace. Nakatulong din si Almodiel sa depensa sa pagtala ng 11 receptions para pangunahan ang Altas na masungkit ang ikawalong diretsong panalo.

Bunga ng panalo, lumapit ang Las Piñas-based school sa isang panalo na lamang para mawalis ng kanilang mga laro sa elimination round sa ikalawang sunod na taon at makadiretso agad sa best-of-three finals.

Nagawang walisin ng UPHSD ang mga laro nito sa elims noong nakalipas na season bago nabigo sa Game 1 ng finals kontra Arellano University. Nagwagi naman ang Altas sa loob ng tatlong laro para mahablot ang ikatlong sunod na titulo at ika-11 sa kabuuan.

May tsansa ang Altas na maduplika ang kanilang nagawa sa nakalipas na season sa pagsagupa nito sa Jose Rizal University Heavy Bombers (2-6) sa Huwebes.

Nalasap naman ang Stags ang ikaapat na pagkatalo sa walong laro para malaglag sa labanan sa Final Four.

Lumapit din ang UPHSD Junior Altas sa pagwalis ng kanilang mga laro sa elims matapos mahablot ang ikawalong sunod na panalo sa pagtala ng 25-15, 25-23, 25-17 pagwawagi kontra SSC Staglets.

Humataw ng todo si Noel Michael Kampton sa pagkamada ng 21 kills para magtapos na may match-best 23 hits.

Napatalsik naman ang Staglets sa Final Four matapos mahulog sa 3-6 marka.

Sa women’s division, ginapi ng UPHSD ang SSC, 25-19, 25-8, 18-25, 25-17, para manatiling palaban sa Final Four matapos makopo ang ikalimang panalo sa walong laro.

Sunod na makakasagupa nila ang JRU sa Huwebes kung saan asinta nila ang panalo na maghahatid sa kanila sa Final Four kasama ang Arellano, San Beda University at College of St. Benilde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending