Hidilyn Diaz ‘dream come true’ ang makatapos ng kolehiyo

Hidilyn Diaz ‘dream come true’ ang makatapos ng kolehiyo after 16 years: Hindi ko akalain na magagawa ko…

Pauline del Rosario - July 23, 2023 - 04:29 PM

Hidilyn Diaz ‘dream come true’ ang makatapos ng kolehiyo after 16 years: Hindi ko akalain na magagawa ko…

PHOTO: Instagram/@hidilyndiaz

NAGING emosyonal ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang latest achievement.

Natupad na kasi ang matagal niyang inaasam na makapagtapos ng pag-aaral.

Makalipas ang 16 years, naka-graduate na rin siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Management sa College of Saint Benilde.

“Nakakaiyak din pala. Not an ordinary day. Inabot din ng 16 years, nag-shift ng courses, nag-transfer ng school, nag-LOA dahil ang hirap pagsabayin ang pagwe-weightlifting at pag-aaral,” kwento niya sa isang Instagram post.

Ayon pa sa Tokyo Olympian, hindi niya akalain na kaya niyang tapusin ang kanyang pag-aaral habang patuloy siyang naghahanda para sa nalalapit niyang kompetisyon sa Olympics.

Baka Bet Mo: ‘Honeymoon’ nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo nadamay sa magnitude 7 na lindol, anyare?

Caption niya, “Dreaming of graduating from college and earning a degree while preparing for the Olympics.”

“Hindi ko akalain na magagawa ko, after sleepless nights and tiring days from training while attending school at De La Salle – College of St. Benilde. Posible pala,” sey pa niya.

Payo pa niya sa mga student-athletes na katulad niya na huwag sumukong abutin ang mga pangarap sa buhay.

“Kung nakaya ko, kaya ng mga student-athletes, at mga bata at sa lahat na gusto makapagtapos,” lahad ni Hidilyn.

Patuloy niya, “Age doesn’t matter, mahirap pero super worth it.”

“I never imagined reaching this point. But here I stand [emojis],” ani pa ng Olympian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hidilyn Diaz-Naranjo OLY (@hidilyndiaz)

Sa hiwalay na IG post ay lubos naman niyang pinasalamatan ang lahat ng mahal niya sa buhay at mga kaibigan na nagbigay ng suporta sa kanya.

Sambit niya sa post, “With God’s dream as my compass, and the unwavering support of my husband, parents, family, and friends, to everyone who has lent a hand in my journey – batchmates/thesismates, and our instructors/ mentors by my side, thank you for making it possible. This milestone is for all of us.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hidilyn Diaz-Naranjo OLY (@hidilyndiaz)

Libo-libong netizens naman ang humanga at napabilib kay Hidilyn dahil lalo pa siyang naging inspirasyon sa maraming Pilipino.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congrats, @hidilyndiaz! You’re such an inspiration to our Filipino youth. Keep reaching for the stars and making your dreams come true!”

“We love you Hidilyn I can’t wait to see you perform for the upcoming Olympics!”

“Congratulations Haidi!!!! You are a champ and a superwoman! Unstoppable [fire emoji].”

“Congratulations!!! Woooooow what great dedication and perseverance you showed with this milestone! Hats off!!! [clapping hands emojis].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Kambal ni Marvin 16 years old na: Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdaraanan natin

Karla Estrada super thankful na graduate na ng BS in Office Administration: ‘Natupad din ang pangarap ko!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending