Kambal ni Marvin 16 years old na: Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdaraanan natin | Bandera

Kambal ni Marvin 16 years old na: Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdaraanan natin

Reggee Bonoan |August 15,2021
facebook
share this

Kambal ni Marvin 16 years old na: Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdaraanan natin

Reggee Bonoan - August 15, 2021 - 05:06 PM

Marvin Agustin, Sebastian at Santiago

AKALAIN mo 16 years-old na ang kambal ni Marvin Agustin na sina Santiago at Sebastian. Binati ng  aktor at restaurant owner ang mga anak sa kanyang Instagram account ngayong araw.

Makikita sa larawang ipinost ng proud daddy sina Santiago at Sebastian na parehong naka-uniporme ng Alabang Tigers dahil mga miyembro rin sila ng Baseball team ng La Salle Alabang.

Ang caption ni Marvin sa nasabing litrato, “Sweet 16. Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdadaan natin. 

“Walang perpektong mundo, meron lang mga taong kakayanin ang kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay nila at ‘yan ang wish ko sa inyo. Maging matatag sa kahit na anong haharapin nyo sa buhay.

“I LOVE YOU MY HANDSOME BOYS!

“Ipagco-COCHI ko kayo at ipagbe-bake ng Kerot Cake! Buti na lang marunong ako magluto at di na tayo gagastos pa.

“HAPPY BIRTHDAY SEBASTIAN & SANTIAGO!”

Pinasalamatan ni Marvin ang lahat ng bumati sa mga anak niya kabilang na ang mga nakatrabaho niya sa showbiz.

Nasa poder ni Marvin ang mga anak niya dahil nga nag-aaral ang mga ito sa La Salle Alabang noong wala pang pandemya. 

Pero ngayon ay online school muna ang mga bagets at kadalasan ay nakikita namin sa mga post ng aktor na nakaka-bonding niya ang mga anak kapag nagbi-bake siya. Ang isa sa mga kambal ay nakabantay pa sa daddy niya habang nasa kitchen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmmmm, hindi kaya ang isa sa kambal ay nahihilig na rin sa pagluluto samantalang ang isa ay nakikita naming laging nasa harap ng computer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending