Paring dinukot ng mga Maute na-rescue ng tropa ng gobyerno
KINUMPIRMA ng isang mataas na opisyal ng Navy na na-rescue si Father Teresito “Chito” Soganub at isa pang bihag mula sa mga teroristang grupong Maute kagabi.
Sinabi ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem), na nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula sa kanyang “ground operators” sa Marawi City.
Idinagdag ni Medina na base sa impormasyon na kanyang natanggap, nagawang makatakas nina Soganub at Lordvin Ocopio, isang guro mula sa Dansalan College, mula sa Maute sa bisinidad ng Bato Mosque sa Marawi City.
Si Soganub ay ang vicar general ng Marawi City.
“The duo revealed (initially to the rescuing troops) that they escaped when their captors had a heavy firefight against the government forces in the said location,” dagdag ni Medina.
“And in the course of fleeing, they were identified by the military and they were brought to a safer place,” ayon pa kay Medina.
Nauna nang ipinost ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa kanyang Facebook account ang matagumpay na pag-rescue sa Marawi vicar general ganap na alas-11 ng gabi noong Sabado malapit sa Bato Mosque.
Dinukot ang pari, kasama na ang 10 iba pang nagsisimba noong Mayo 23 matapos lusubin ng mga Maute ang Marawi City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending