Goma, Binoe, Tito Sen grabeng sumipsip kay Digong; kumampi kay Paolo Duterte | Bandera

Goma, Binoe, Tito Sen grabeng sumipsip kay Digong; kumampi kay Paolo Duterte

Jobert Sucaldito - September 16, 2017 - 12:20 AM

I HAVE to make mention of the names of some of my dear friends in the industry and my feeling of dismay sa take nila on certain issues sa political arena. Nakakakilabot ang mga panuntunan nila. Now I know.

Who are they? Sino pa, eh di sina Sen. Tito Sotto, Tourism Usec. Kat de Castro, Robin Padilla and Ormoc Mayor Richard Gomez!

Sila kasi itong mga vocal sa mga walang kakuwenta-kuwentang stand on politics – huwag lang makawala sa laylayan ng pantalon ni President Rodrigo Duterte. In short, halatang nagsisipsip lang ang apat na ito to the highest level.

Look at Robin Padilla, sayang ang makatang pagsasalita niya on his paninindigan sa Inang Bayan na palagi niyang sinasabi. Parang hindi niya kayang makipaglaban nang maayos, puro lang siya salita para sa mga Muslim brothers natin pero hindi naman yata niya alam kung ano ang tunay na nagaganap sa kapaligiran.

Yung patayan dito, patayan doon, mga maling panukala at kung anu-anong pang kaek-ekan. Sayang lang ang kadramahan niya sa buhay, ang pagdu-donate ng limpak-limpak na salapi para sa mga biktima ng Marawi siege.

Hindi niya na-realize na mas malaki ang maitutulong niya (hindi lang sa pamamagitan ng pagdo-donmate ng pera) kung susundin lang niya ang tamang landas. Nakakatawa nga sila nina Kat de Castro at Mayor Richard Gomez dahil isa-isa nilang ipinakikita ang tattoo sa katawan nila madepensahan lang si Vice Mayor Paolo Duterte dala ng kontrobersyang kinasasangkutan ng mahiwagang tattoo nito sa kanyang likod na diumano’y insignia ng isang Chinese Triad.

As if naman, kung ipakita nila ang mga tattoo nila ay mawawakasan na ang alegasyon kay Pulong (Paolo Duterte). Hoy! Huwag kayong magbobo-bobohan. Ginagawa ninyong ta-nga ang publiko! Hindi ang tattoo ninyo ang kinukuwestyon. Mahirap bang intindihin iyon Kat, Binoe at Goma? Simple lang iyon, it was for and in aid of legislation sa isinasagawang Senate inquiry on that matter.

We are not saying that Pulong is guilty pero since ayaw nga niyang ipakita sa Senado ang nakalagay na tattoo sa likod niya, it left the world the doubt na baka nga member siya ng sindikato. Kung talagang hindi siya guilty, tapos na sana ang boksing kung ipinakita niya at sirang-sira na tiyak si Sen. Trillanes at puwede pa nilang kasuhan at ipakulong kung gusto nila.

Unless he is hiding something and with what he did (by not showing), mukha ngang totoo ang ibinibintang sa kanya. Kaya anong kinalaman ng apat na tattoo ni Goma sa kaniyang braso – siya ba ang kinukuwestiyon? Ano naman ang kinalaman ng 12 tattoos ni Kat de Castro?

Did it save Pulong from the mess? Lalo lang nilang pinahamak si Vice Mayor Duterte sa kanilang kabobohan. It’s an act of kasipsipan actually, no offense meant sa kanila. Sana inisip naman nila ang taumbayan na umaasa ng matinong pamamahala sa bansang ito. Hindi yung pansarili lang nila ang kanilang iniisip. Hindi sila maka-bayan actually, makasarili sila. Nakakahiya!

Sabi ni Pulong ay ipapakita lang daw niya ang kanyang tattoo sa tamang panahon. Marami tuloy ang nag-react – kailan daw? Pag napabura na niya? Siyempre, puwede nilang linisin iyon na parang wala lang in the next few months dahil napakaraming nagagawa ng siyensiya ngayon. Puwede nilang ipakita iyon na sobrang kinis na, as in flawless na flawless, di ba? Don’t me! Huwag ako!

Isa pa itong si Sen. Tito Sotto, ang co-laywer ni Sen. Dick Gordon para sa mga Duterte sa Senado. Nag-comment naman itong si Tito Sen regarding the P1,000 budget para sa Commission on Human Rights, kasi raw kontra nang kontra ang CHR kay Pres. Duterte kaya iyon ang napala nila.

Whahhhhh! The nerve, di ba? Senador ka Tito Sen, hindi ka taong-grasa. Hindi ka taong-kalye para hayaang malagay sa kapahamakan ang mga mahihirap mong mga kababayan na left and right na pinapatay sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang ahensiya na nag-aalaga at nakikipaglaban sa buhay ng mga taong bumoto sa iyo na pinapatay ng mga alagad ng batas na binigyan ng pangulo natin ng basbas on his campaign against drugs.

(Abangan bukas ang ikalawang bahagi ng Expose)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending