Isang mensahe sa aking kapatid na si Wanda | Bandera

Isang mensahe sa aking kapatid na si Wanda

Ramon Tulfo - September 16, 2017 - 12:10 AM

MABAGAL ang pagkilos ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa isang theft case sa Pasay City na ang perang ninakaw ay P1.3 milyon na hindi isinoli ng mga pulis na naka-recover nito.

Ang halaga ay nasa loob ng isang bag sa loob ng kotse na nakaparada sa Arnaiz St. sa lungsod na kinuha ng tatlong batang lalaki at dalawang matanda.

The amount was in P300,000, US$7,000 and 10,000 euro bills. Also in the bag were three cellphones, documents, ATM cards and passbooks.

Nakilala ng mga pulis ang mga salarin sa pamamagitan ng CCTV camera sa lugar. Ang mga ito ay notorious characters dahil ang kanilang mga litrato ay nasa station rogues gallery.

Nang nireport ng negosyanteng si Inocencio Tan ang pagkawala ng kanyang bag, pinagpasa-pasahan siya na parang basketball sa police community precinct (PCP) 3, investigation division ng headquarters at women and children’s protection unit.

Habang hinihintay ni Tan ang pagkilos sa kanyang reklamo, narecover na pala ang pera ng ilang mga pulis-Pasay, ayon sa imbestigasyon na aming ginawa sa “Isumbong mo kay Tulfo.”

Dumulog na kasi si Tan sa amin matapos di pansinin ang kanyang reklamo.

Nang nakialam na ang “Isumbong,” narecover ang P6,000 at $1,100 sa mga bata.

Intact ang halagang P1.3 million nang marecover ng mga pulis-Pasay.

Sa pagkakaalam namin ay na-relieve na ang hepe ng PCP 3 na si Chief Insp. Remedios Terte, pero siya’y inilipat lamang sa ibang presinto.

Nang tinanong ko si Albayalde kahapon kung naparusahan na si Terte dahil sa kanyang pagpapabaya sa trabaho, sinabi niya na pinaubaya ito sa Pasay City police chief na si Senior Supt. Dionisio Bartolome.

Sinabi rin sa inyong lingkod na paiimbestigahan niya si Terte sa NCRPO headquarters.

Big deal!

Dapat ay noon pang Sept. 7 niya inaksiyunan ang reklamo nang idinulog namin ito sa kanya.

Pero hanggang kahapon ay di pa siya nagbigay ng order na imbestigahan si Terte at ang mga pulis na nakarecover ng pera.
Mukhang incompetent itong si Albayalde kagaya ng kanyang classmate sa Philippine Military Academy (PMA) na si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

***

Kung minsan ay may hindi pagkakaunawaan kaming magkakapatid kung ang mga propes-yon ang pag-uusapan.

Isang halimbawa ay ang pagsama ng loob sa akin ng aking kapatid na si Tourism Secretary Wanda T. Teo dahil sa aking pagbatikos sa kanyang mga kasamahan sa Gabinete na sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sinabi ko kasi sa aking column dito sa Bandera at sa INQUIRER na incompetent ang dalawang Cabinet members na nabanggit.

Ang sumusunod ay aking text message sa aking kapatid na
ipinadala noong Huwebes ng gabi:

“Wanda, I’m just doing my job as a journalist. If Digong fails as president, I fail as a columnist. His success is my success, his failure is also mine. When everybody was going about their business many years ago, I encouraged Digong to run because I knew deep in my heart he was THE only one who could save this country from ruin. I am just jolting some officials from their stupor. Wanda, I love Digong more than a brother. He stood by me when I was being oppressed by (then First Gentleman) Mike Arroyo. He invited me to go to Davao City if I sensed that my life was in danger in Manila.”

Gusto ko lang sanang idagdag ito sa aking mensahe sa aking nakababatang kapatid:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag mo akong pakialaman sa aking trabaho, Wanda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending