Engkuwentro sa Leyte; NPA camp nakubkob | Bandera

Engkuwentro sa Leyte; NPA camp nakubkob

John Roson - August 15, 2017 - 04:35 PM
Nabawi ng mga tropa ng pamahalaan ang isang kampo ng New People’s Army matapos makasagupa ang mga kasapi ng rebeldeng grupo sa Burauen, Leyte, Martes ng umaga, ayon sa pulisya. Naengkuwentro ng mga miyembro ng Army 78th Infantry Battalion ang aabot sa 20 rebeldeng nagkuta sa Brgy. Roxas dakong alas-10, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police. Tumagal nang 20 minuto ang palitan ng putok. Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga kawal. Di pa mabatid kung may casualty sa mga rebelde, na umatras patungong hilaga. Nakatagpo ang mga sundalo ng isang sako ng bigas, back pack, mga subersibong dokumento, at personal na kagamitan sa nakubkob na kampo, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending