Paano kung infected ka na ng HIV/AIDS? | Bandera

Paano kung infected ka na ng HIV/AIDS?

Dr. Hildegardes Dineros - August 07, 2017 - 08:00 AM

HIV o Human Immunodeficiency Virus kailangan bang katakutan?

KUNG hindi mo alam na ikaw ay infected, mapayapa ang kaisipan, walang duda. Hindi ka magkakaroon ng kahit kaunting takot sa epekto nito o sa posibilidad na lumala ito at maging isang ganap na AIDS.

Pero paano na kung ikaw ay may HIV na pala pero hindi mo alam?

Mas makabubuti bang alam mong infected ka na o hindi na lang?

Nakalulungkot kung sa huli mo na malalaman na ikaw ay mamamatay na dahil sa HIV o kaya sa AIDS. At mas nakalulungkot kung malalaman mo rin na maraming mga tao ang naapektuhan mo dahil sa iyong pagiging iresponsable mo, lalo pa kung sila ay kapamilya mo.

Ang kabatiran ukol sa HIV ay hindi lamang para sa kapakanan mo kundi para sa buong mundo.

Ito ay isang kumplikadong isyu kung kaya’t kailangan bigyan natin ng pansin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga iba’t ibang gawain para i-educate at bigyang impormasyon ang publiko tungkol sa lumalalang sitwasyon ng HIV/ AIDS sa bansa.

Ang HIV/AIDS awareness ay may positibing epekto sa kabuoang pagsugpo ng pagkalat ng sakit na ito.

Mag-iingat ka na hindi ka mahahawa at makahahawa, at kung ikaw man ay mayroon nang impeksyon, may magagawa kang mga paraan para supilin ang mga kumplikasyon nito.

Pero sa iba na ayaw malaman na siya ay affected na, bakit ng aba ayaw mong malaman?

Ang HIV ay isang uri ng retrovirus RETROVIRUS na nagiging sanhi ng tuluyang pagbaba ng immune system function, na tinatawag na Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), na siya namang dahilan kung bakit ang mga “opportunistic infections” at kanser ay pumapasok.

Kung walang gamutan na gagawin, maaa-ring ikamatay ito sa loob ng 10 taon. Nakukuha ito sa pamamagitang ng mga “body fluids” gaya ng blood, semen, vaginal secretion at kahit sa breast milk, mga likido ng katawan na nagtataglay ng immune cells na kung saan naman nakatira ang HIV.

Samakatuwid, sa pamamagitan ng sexual contact (vaginal, oral, anal sex), blood transfusion, tusok ng karayom na pang-injection (drug addicts) at pagpapasuso makukuha ang HIV.
Hindi magandang pamana ng ina sa kanyang supling ang HIV.

Kahit sinasabi pang “incurable” ang HIV Infection, makapagbibigay ng pamamaraan na bumagal ang paglala nito kung ito’y malalaman ng maaga.

Dito pumapasok ang “HIV testing or screening”, isang napaka-simpleng eksaminasyon sa dugo.
Mahalaga ang HIV test dahil kadalasan walang sintomas ito kapag maaga pa gaya ng lagnat, giniginaw, sakit sa kasu-kasuan (joint pains) at laman (muscle), sore throat, pinapawisan sa gabi kahit malamig, malalaking kulane, rashes, pagbawas ng timbang nang walang dahilan, madaling mapagod at panghihina.

Kapag huli na at mayroon nang AIDS, maaa-ring magkaroon ng “diarrhea”, blurring of vision, lagnat na matagal,naghahabol ng paghinga at maaring pumasok ang mga infections gaya ng Pneumonia, Tuberculosis at Fungal infections, pamamaga ng Esophagus, mga kanser tulad ng Kaposi’s Sarcoma, Lymphoma at iba pa.

Mahirap sumali sa isang labanan na wala kang kalaban-laban. Kapag hindi mo alam ang mga pangyayari at hindi ka handa rito, wala kang magagawa na ikabubuti mo at ipanalo mo ang i-yong laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gusto mo bang lu-maban o matalo na lang nang walang kalaban-laban?

Huwag matakot sa katotohanan, kasi ito ang magpapalaya sa iyong kaisipan at damdamin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending