Sexuality hindi political issue; Makakapal na mukha na mga opisyal; atbp.
SABI ng Commission on Elections (Comelec): Bakit pa gagawing party-list ang grupo ng mga bakla at tomboy samantalang punung-puno ang Kongreso ng mga ito.
Yan ang inisyu na statement ng Comelec matapos nitong tanggihan ang application ng Ang Ladlad na maging political party.
Tumpak ang Comelec. Maraming bakla at T-bird sa House of Representatives at Senado.
Sa Senado na lang, at least dalawang miyembro ang “alanganin”—isang bading, na nagkukunwaring lalaking-lalaki, at isang tomboy.
* * *
Hindi dapat maging political issue ang gender o sexuality ng isang tao.
Sinasabi ng Ang Ladlad na marginalized o hindi kinikilala at kinakawawa ang mga bakla at tomboy.
Kasinungalingan yan!
Ang daming bakla at tomboy sa showbiz at mga sikat pa!
Kaya nga marami na sa mga kabataan na gustong maging bading o tomboy dahil nakikita nila na sinasamba ng masa ang mga sikat na bakla at tomboy.
* * *
Ito ang mensahe ng inyong lingkod kay Danton Remoto, ang hari ng mga bakla at chairman ng Ang Ladlad:
Makontento ka na na kinokonsente kayo ng lipunan at hindi na kayo pinagtatawanan gaya ng dati.
Normal na ang tingin sa inyo ng lipunan at dapat ikatuwa na ninyo ito.
Huwag na ninyong abusuhin ang pahintulot sa inyo ng lipunan sa inyong mga kaetsuhan.
Gusto pa ninyo ng same-sex marriage o kasal ng lalaki sa lalaki at babae sa babae sa ating bansa?
Pambihira kayo! Sa America lang nangyayari yan at sa mga states ng USA na maraming sira-ulo.
Napakahalay ng pagtatalik ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Espadahan at pompiyangan ang nangyayari!
Ang ganoong pagtatalik ay abnormal.
Sige kayo, baka tamaan kayo ng kidlat!
* * *
Makapal ang pagmumukha nitong si Constancia de Guzman, ang chairman ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC).
Biruin n’yong ipinasok niya ang kanyang anak na lalaki, pamangkin at girlfriend ng kanyang anak sa PAGC bilang technical assistants!
Sa madaling salita nepotism ang ginawa niya.
At ang nepotism ay isang graft na binabantayan ng PAGC.
Wala naman daw masama sa pagpasok ng kanyang mga kamag-anak at girlfriend ng kanyang anak sa PAGC.
Huli na ayaw pang umamin. Kapal ng mukha!
Kaya lang nag-resign ang kanyang mga kamag-anak ay dahil pinuna na sila ng media.
* * *
Isang makapal din ang pagmumukha ay si Camilo Sabio, chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ipinagtatanggol ni Sabio ang pagpasok ng mga miyembro ng kanyang pamilya sa naturang ahensiya bilang consultants.
Ito ang mga kaanak ni Sabio sa PCGG: Alberto Feria, manugang; Gerardo Sabio, anak; Patricio Ledonio, pamangkin; Gerardo Ledonio, bayaw niya; Smile Catabas, isa pa ring kamag-anak.
Pinakyaw na ni Sabio ang kanyang mga kamag-anak na ipasok sa PCGG.
Good Government, ha!
Dapat ang itawag sa PCGG ay PCBG o Presidential Commission on Bad Governance.
* * *
Bakit hindi maalis-alis itong si Sabio sa PCGG kahit na marami nang kapalpakan ang ginagawa nito?
Gaya ng maraming biyahe sa ibang bansa na di naman dapat.
Malakas daw itong si Sabio kay First Gentleman Mike Arroyo.
Ano kaya ang mga ginagawang raket ng mga ito sa PCGG?
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 112009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.