MAPAPAKINGGAN na rin sa Super Radyo DZBB ang disaster preparedness campaign ng GMA News and Public Affairs na IM Ready, ang IM Ready sa Dobol B na ihahatid ng resident meteorologist ng Kapuso Network na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz tuwing Sabado, 10 a.m..
Tampok dito ang comprehensive weather forecasts, trivia, pati na rin ilang tips kung paano maging handa sa iba’t ibang uri ng kalamidad. May pagkakataon din ang mga tagapakinig na magtanong kay Mang Tani tungkol sa lagay ng panahon sa segment nitong “Magtanong Kay Mang Tani.”
Kinikilala si Mang Tani bilang “ekspertong totoo” dahil na rin sa mahigit dalawang dekada niyang karanasan sa weathercasting. Regular siyang napapanood sa iba’t ibang GMA News programs na naghahatid ng weather reports.
“When they created the IM Ready project, ang talagang nakikita nila ay to instill yung readiness sa mga tao. And then imagine we have 20 tropical cyclones a year, talagang kailangang maging handa tayo. Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga flood-prone, landslide-prone, typhoon-prone, lahat na yata ng klase ng mga natural hazards ay meron tayo,” sabi ng Kapuso meteorologist.
“Ang paghahanda, hindi ginagawa kung kailan nandiyan na ‘yung panganib, kundi ito ay ginagawa habang wala pa. Hindi kailangang maging mayaman ang isang komunidad para makapaghanda. Ang kailangan lang ay sapat na kaalaman. Alam kung saan pupunta, sinu-sino ‘yung mga dapat mauna, at dapat lahat ng miyembro ng pamilya alam kung ano ang gagawin kapag may parating na panganib,” dagdag pa nito.
Tumutok at maging laging handa kasama si Mang Tani sa IM Ready sa Dobol B tuwing Sabado ng umaga sa Super Radyo DZBB 594.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.