Kuya Kim sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa GMA: Malungkot na masaya, mabigat na excited…
Kim Atienza
PORMAL nang inanunsyo ng GMA 7 ang pagiging certified Kapuso ng TV host na si Kim Atienza.
Bukod sa pagiging segmeng host sa primetime news program na “24 Oras” magkakaroon din ng sarili niyang show si Kuya Kim sa Kapuso network.
“Isang malaking karangalan na mapunta ako sa Kapuso Network. Nothing happens by accident. I was given this opportunity by GMA-7 and I intend to make the most out of this opportunity,” bahagi ng mensahe ni Kuya Kim sa mga Kapuso viewers sa panayam ng “24 Oras.”
Sa isa niyang vlog sa YouTube na may titulong “My Last Day As A Kapamilya”, inamin ni Kuya Kim na “mixed emotions” ang nararamdaman niya ngayong nasa GMA na siya makalipas ang ilang taong pagtatrabaho sa ABS-CBN.
“Malungkot na masaya, mabigat na excited, at higit sa lahat punong-puno ng emosyon. ‘Yan ang aking huling araw sa ABS-CBN,” ang pahayag ng TV host sa nasabing vlog.
Pagpapatuloy pa niya, “Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, Kapamilya. Hindi biro ang 17 years na maging bahagi ng inyong tahanan at maging bahagi din kayo ng aking araw araw.
“Lilisanin ko man ang ABS-CBN mananatili pa rin ang mga aral na naituro sa akin at naranasan ko bilang isang Kapamilya.
“Ang buhay nga ay weather weather lang ngunit magkikita pa rin tayo at magkakasama ano mang buti o sama ng panahon. Maraming salamat sa inyong lahat!” lahad pa ng bagong Kapuso star.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe ang resident weatherman at meteorologist ng GMA na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz.
Nasa Australia ngayon si Mang Tani kasama ang kanyang pamilya at mula nga roon ay nagpahatid siya ng mensahe para i-welcome si Kuya Kim bilang bagong Kapuso.
“Hi, pwede na kitang tawagin ngayong Kapusong Kuya Kim. Welcome!
“Natatandaan mo ba ‘yung matagal na matagal na panahon na magsisimula ka sa bagong trabaho mo no’n at ako naman ay nasa PAGASA? Matagal na ‘yon pero ngayon, magkakasama na tayong dalawa.
“Defnitely, you will enjoy itong Kapuso network. Kapusong Kuya Kim, welcome!” ang paniniguro pa ni Mang Tani sa TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.