Kuya Kim masayang sinalubong si Mang Tani sa '24 Oras' | Bandera

Kuya Kim masayang sinalubong si Mang Tani sa ’24 Oras’

Therese Arceo - November 06, 2021 - 12:35 PM

Kuya Kim masayang sinalubong si Mang Tani sa '24 Oras'

MASAYANG sinalubong nina Kuya Kim Atienza, Mike Enriquez, Vicky Morales, at Mel Tiangco ang nagbabalik na si Mang Tani sa “24 Oras”.

Noong Byernes, Nobyembre 5, ginawa ng resident meteorologist ang kanyang kauna-unahang weather report buhat nang magbalik ito mula sa Australia.

Habang on-air ang programa ay inamin ni Kuya Kim na naging mentor niya si Mang Tani sa pagsasagawa ng weather reporting.

“Siyempre, hindi ko palalagpasin ang pagkakataong batiin ang aking mentor sa pag-uulat panahon, welcome back, Mang Tani!” saad ni Kuya Kim.

Sagot naman ni Mang Tani, “Sa akin ang karangalan, ha, Kim, sa pagtuturo sa ‘yo. Welcome.”

“Hindi po ako matututo ng weather kung ‘di po dahil sa inyo, Mang Tani,” dagdag pa niya.

Nag-post rin si Kuya Kim ng kanilang litrato ni Mang Tani at background ang logo ng “24 Oras”.

“Welcome back @mangtanicruz ! It’s an honor to work with you!

“Mang Tani was my mentor in @pagasa.ph when I started doing weather 17 years ago,” saad niya sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Matatandaang naging mainit na usapin ang naging paglipat ni Kuya Kim mula sa bakuran ng ABS-CBN patungo sa GMA 7.

Bukod sa maraming mga taong ang kumuwestiyon sa loyalty niya sa kanyang naging tahanan sa mahabang panahon, naging usap-usapan rin kung siya ang papalit sa resident meteorologist ng “24 Oras” na si Mang Tani matapos mapag-alaman na isa ito sa mga magiging programa niya sa kanyang paglipat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ay pinabulaan niya at sinabing magkakaroon siya ng sariling segment “Kuya Kim, ano na?” napapanood na ngayon.

Bukod sa “24 Oras” ay mapapanood rin siya sa “Mars Pa More with Pars Kim Atienza” at “Dapat Alam Mo!” sa GTV.

Related Chika:
Kuya Kim sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa GMA: Malungkot na masaya, mabigat na excited…
Mark ibinibigay lahat sa asawa ang sweldo sa GMA; Mang Tani babalik pa ba sa 24 Oras?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending