Emergency employment nakalaan para sa informal sector | Bandera

Emergency employment nakalaan para sa informal sector

Liza Soriano - July 21, 2017 - 12:10 AM

PINAG -IBAYO ang implimentasyon ng emergency employment na nakalaan para sa informal sector.

Kabilang sa mga ito ay ang mga differently-abled person, indigenous people, magulang ng mga batang-manggagawa, self-employed na mang gagawa na hindi sapat ang kinikita, kababaihan at kabataan, mahihirap, magsasakang walang sariling lupa, mangingisda, mga manggagawang nawalan ng trabaho, at mga manggagawang tumatanggap ng mababang sahod

Maraming manggagawa ang natulungan ng implimentasyon ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP)

Nilalayon ng DILEEP na pangalagaan ang mga manggagawa mula sa panganib na dulot ng krisis o kapahamakan

Nitong unang bahagi ng taon, itinaas ng DOLE mula P10,000 hanggang P20,000 ang halagang maaaring tanggapin ng indbidwal na benipisyaryo sa ilalim ng programang pangkabuhayan.

Maliban sa karagdagang tulong-pinansiyal, ang isa pang pagbabago sa programa ay ang pagbibigay ng basic health tools and accessories, tulad ng gloves, mask, hairnet, apron at iba pang food-related livelihood, sa mga benepisaryo ng DOLE at ng kanilang Accredited Co-Partners (ACPs).

Ang bilang ng manggagawang natulungan sa unang 10 buwan ay kumakatawan sa mga ben ipisyaryong natulungan sa ilalim ng programang DILEEP, ang Livelihood o Kabuhayan, at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, o TUPAD.

Sa ilalim ng Programang Kabuhayan, may 98,358 mula sa kabuuang manggagawang-benepisaryo ang nakatanggap ng programang pangkabuhayan at pagnenegosyo.

Kasama dito ang pagbibigay ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) at tulong para sa pagbili ng kagamitan, tools and jigs at raw materials. Ang iba pang tulong ay ang pagbibigay ng capacity building intervention, tulad ng training para sa skills entrepreneurship, organizational development at productivity, at safety and health.

Para sa programang TUPAD, may 325,617 manggagawa ang nakinabang mula sa emergency employment scheme na nagbibigay ng cash-for-work sa mga manggagawang nawalan ng trabaho na hindi bababa sa sampung araw at hindi lalampas ng 30 araw.

Nagsasagawa ang mga benipisyaryong ng TUPAD ng pag-aalis ng bara sa mga kanal, paglilinis ng kalsada, pagtatanim ng mga puno, at pagkumpuni ng mga pampublikong pasilidad.

Tumatanggap ang mga manggagawa ng minimum na sahod, at bilang karagdagang proteksiyon, social insurance na nagkakahalaga ng P65,000 kung sakaling maaksidente, namatay/nabaldado, medical reimbursement, at tulong sa pagpapalibing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending