Ipagtatanggol mo ba si Mommy Dionisia? | Bandera

Ipagtatanggol mo ba si Mommy Dionisia?

|November 17,2009
facebook
share this

Ipagtatanggol mo ba si Mommy Dionisia?

- November 17, 2009 - 02:20 PM

PINAYUHAN ng Color People Advancement Community si Manny Pacquiao na pagsabihan at gabayan ang kanyang nanay na si Dionisia (E.T., na lang ang di nakakikilala sa kanya dahil kahit sa Tate ay kilala na siya) nang banggitin nito sa pagtitipon sa Misa sa  annex building ng Mandalay Bay Resort and Casino sa ang salitang “negro.”
“Nagpapasalamat ako hindi lang sa mga Pilipino at pati na rin sa mga Amerikano at mga Negro,” ani Dionisia, na pinalakpakan at may mga nagtawanan.
“She can be forgiven as she appeared to have been disoriented when she used the word ‘negro’ but someone with basic understanding about the proper use of addressing color people in the United States should educate Madame (Aling Dionisia) Pacquiao,” ani Rodney Surat Whiterspoon, civil rights activist at tagapagsalita ng CPAC.
Oo nga naman.  Masama sa Kano ang salitang negro.  Tama, di dapat banggitin ito kapag ikaw’y nasa Amerika o sa mararangal na pagtitipon sa labas ng Tate.
Sori.  Di masama sa Pinas ang salitang negro.  May kumitang pelikula nga na ang titulo ay “Boy Negro.”  Ang pinakamatagal na naluklok na mayor ng Pasig ay binansagang negro, pero di ito ininda ni Emiliano Caruncho.  Ang mga negro ng Cainta ay mga maglalatik at meron pa tayong ipinagmamaki sa buong mundo na Cerveza Negra.
Ang negro sa kultura ng Pinoy ay simpleng kulay lamang at wala tayong iniuugnay na malisya at mapang-aliping nakalipas.
Kung masama rin ang salitang “black” sa Kano (colored [?] people ang tawag nila), sa Pinoy, sinasamba ito, bilang “Black Nazarene.”

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 111709

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending