Muling binasahan ng sakdal ang inaakusahang pork barrel fund scam queen na si Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan Third Division.
Naghain ng not guilty plea si Napoles kasama ang kapwa akusado na sina dating Energy Regulatory Commission chief Zenaida Ducut, mga opisyal ng Technological Resource Center na sina Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Francisco Figura, Consuelo Espiritu at Marivic Jover; at mga tauhan ng Department of Budget and Management na sina Mario Relampagos, Rosario Nunez, Marilou Bare at Lalaine Paule, sa kasong graft at malversation.
Ipinagpaliban naman ang arraignment ni dating Davao Del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV dahil hindi pa nareresolba ng korte ang inihain niyang motion for reconsideration matapos ibasura ang kanyang motion to quash.
Itinakda ang arraignment ni Cagas sa Hulyo 12.
Ang mga akusado ay kinasuhan ng Ombudsman kaugnay ng paggamit umano ng P7.55 milyong pork barrel fund ni Cagas na napunta sa non government group na Social Development Program for Farmers Foundation Inc. at People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc.
Tumanggap umano ng kickback si Cagas sa transaksyong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending