True ba, dating asawa ni Alma may konek sa Maute? | Bandera

True ba, dating asawa ni Alma may konek sa Maute?

Julie Bonifacio - May 31, 2017 - 12:30 AM

TOTOO kaya ang kumakalat na balita na may kaugnayan diumano ang ex-husband ni Alma Moreno na si Fahad Salic sa Maute group na patuloy na naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City?

Si Fahad ay naging Mayor ng Marawi nu’ng sila pa ni Alma. Ikinasal sila noong March 21, 2009 pero naghiwalay din noong 2014. May anak din daw sina Fahad at Alma na ang pangalan ay Alfah (pinagsamang Alma at Fahad).

Isang concerned netizen naman na ayaw ipa-reveal ang identity ang naglabas sa social media ng larawan at impormasyon tungkol sa Maute group.

Ayon sa concerned citizen, ang Maute group ay ‘di raw totoong member ng ISIS kundi isang private army of a certain Solitario at ni dating Marawi City Mayor Salic.

Dagdag pa ng concerned netizen na umaming close sa Maute family, ginamit lang daw ng grupo ang bandera ng ISIS at binuo ang grupo nila para makuha ang atensiyon ng mga tao. Through this, hindi raw ma-reveal ang pagiging private army nila at magpatuloy diumano ang kanilang drug operations.

May mga lumabas din na pictures ng pitong Maute siblings sa social media at may larawan din si ex-Mayor Salic na kasama ang dalawang Maute brother sa dalawang magkahiwalay na larawan.

Last election, tumakbo si Fahad bilang gobernador sa Lanao del Sur under United Nationalist Alliance party. Na-ambush ito pero naka-survive noong April, 2016 na ayon sa balita ay may kinalaman daw sa politika.

Si Hajud Gandambra ang Mayor ng Marawi City ngayon, habang ang nakaupo naman bilang gobernador ng Lanao del Sur ay si Bedjoria Adiong na nakalaban ni Fahad last election.

Sinikap naming hingan ng pahayag sina Alma at Mayor Salic ngunit habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakukuhang reply mula sa kanila.

Ayon sa isang nakausap namin, posibleng kilala ng ex-husband ni Ness ang ilang miyembro ng Maute ngunit wala itong alam sa panggugulo ng grupo sa Marawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending