Lorna Tolentino umamin: 'Hindi ako perfect...may nagtatago ring monster sa loob ko' | Bandera

Lorna Tolentino umamin: ‘Hindi ako perfect…may nagtatago ring monster sa loob ko’

Ervin Santiago |October 02,2023
facebook
share this

Lorna Tolentino umamin: ‘Hindi ako perfect…may nagtatago ring monster sa loob ko’

Ervin Santiago - October 02, 2023 - 06:30 AM

Lorna Tolentino umamin: 'Hindi ako perfect...may nagtatago ring monster sa loob ko'

Lorna Tolentino

WALA pang karanasan ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino nang maging karelasyon niya ang yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Yan ang inamin ng award-winning veteran actress nang mapag-usapan ang naging takbo ng pagsasama nila bilang mag-asawa ni Daboy noong nabubuhay pa ito.

Inalala ni LT ang kanyang kabataan at ang nakaraan nila ni Rudy sa interview ni Korina Sanchez na mapapanood sa Net25 YouTube channel.

Tanong ni Korina kay Lorna,, “Ilang taon ka noong may Rudy Fernandez na?”

“Seven years old ako noong nakita niya ako. Tapos noong 14 years old ako, naging best friend niya yung kapatid ng mama ko.

“Pumupunta siya sa bahay tapos nakikita na niya ako. Noong adult na yung mga roles namin, medyo naging close na kami,” pagababahagi ng aktres na napapanood ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Ang pangako raw sa kanya noon ni Daboy nang una silang magkita ay pakasalan siya kapag dumating na ang tamang panahon. Sa pagkakaalala niya, 17 lamang ang aktor at 7 years old naman siya.

“Actually, ang sinabi niya sa akin, tinupad daw niya yung pangako niya noong pinakasalan niya ako. Yung pangakong pakakasalan niya nga ako noong makita niya ako noong seven years old ako.

“Palakihin daw nang mabuti yung batang yan at pakakasalan ko siya,” ang kuwento pa ng aktres.

Kasunod nito, inamin nga ni LT kay Korina na wala pa siyang kahit anong karanasan noon sa pag-ibig nang maging boyfriend niya si Rudy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


“Wala akong experience kundi si Daboy lang. Mas okay para sa akin kasi pareho kami ng industriya. Maraming tinuro sa akin si Daboy na dala-dala ko hanggang ngayon,” pahayag ni Lorna.

Baka Bet Mo: Bela Padilla inatake ng matinding nerbiyos habang idinidirek si Lorna Tolentino: ‘Hindi ko lang ipinahahalata sa kanya’

Kasunod nito, nabanggit din ng premyadong aktres na hindi rin “perfect” ang naging buhay niya noon at marami rin siyang pinagdaanang pagsubok na mas nagpatatag at nagpatapang sa kanya.

“I’m thankful for God’s many blessings. My life isn’t perfect. Hindi ako perfect gaya ng madaming tao.

“May nagtatago ding monster sa loob ko. May mga monsters tayong kinakaharap sa buhay natin, mga challenges na kailangan nating malagpasan.

“At sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, grateful naman ako na nasa tamang path ako.

“Nasa sa atin na lang kung paano natin iha-handle ang mga monsters ng buhay natin,” aniya pa.

Dalawang beses ikinasal sina Lorna at Rudy – sa isang civil ceremony noong 1983 at sa isang bonggang-bonggang church wedding noong 1992.

Biniyayaan sila ng dalawang anak – sina Renz and Raphael. Nagkaroon din si Daboy ng anak sa aktres na si Alma Moreno, at yan nga ay si Mark Anthony Fernandez.

Sumakabilang-buhay naman ang action star noong June, 2008 dahil sa sakit na cancer.

Yumaong action star na si Rudy Fernandez ipinaampon daw ng mga tunay na magulang, Lorna Tolentino nagsalita na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na ‘Monster’: ‘Talaga namang nakakadurog ng puso!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending