Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na 'Monster': 'Talaga namang nakakadurog ng puso!' | Bandera

Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na ‘Monster’: ‘Talaga namang nakakadurog ng puso!’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na ‘Monster’: ‘Talaga namang nakakadurog ng puso!’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 07:27 AM

Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na 'Monster': 'Talaga namang nakakadurog ng puso!'

Sylvia Sanchez, Ria Atayde at Lorna Tolentino

NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ng internationally-acclaimed Japanese drama na “Monster.”

Nagsimula ang partnership nina Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna noong nakaraang summer nang sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa special screening ng “Topakk” na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at idinirek ni Richard V. Somes.

Maliban sa screening ng “Topakk” sa Cannes, dito rin nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang iri-release for theatrical showing dito sa Pilipinas.

Sa ilamin ng direksyon ng nirerespeto at multi-awarded filmmaker na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa “Monster” ang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura Andō, Eita Nagayama, Sōya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yūko Tanaka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Umiikot ang istorya ng “Monster” sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at isinusulong nito ang kahalagahan ng mental health.

“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon.

Baka Bet Mo: Coco inulan ng papuri mula kina Charo, Christopher, Cherry Pie at Lorna: ‘Isa siyang genuis at napakabuting anak, kapatid at apo’

“Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-dami ng aking napanood, isa itong Monster na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina,” aniya pa.

Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang “Monster” sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kumpanya.

“We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” sey ng aktres.

Karapat-dapat ding banggitin na ang Nathan Studios ang nasa likod ng mga delakidad na proyekto gaya ng “Cattleya Killer” na mapapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video at “Topakk” na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa mga iba’t ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t-ibang panig ng mundo gaya sa Switzerland, Japan, at Amerika.

Para naman kay Lorna, na tinaguriang Grand Slam Queen ng Pilipinas, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng “Monster,” “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.”

Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng “Monster” sapagkat talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.

“Isa na ito sa pinakamagandang pelikula na napanood ko. Mapapaisip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan ni Sylvia sa nasabing pelikula na lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival. Dito din pinarangalan ang pelikula ng Best Screenplay award.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Bilang mga magulang at ina, nagkakaisa sina Sylvia at Lorna na karapat-dapat panoorin ng bawat Pilipino ang “Monster” dahil sa mga aral ng buhay na kanilang matutunan dito gaya ng pagmamahal sa anak at pagpapahalaga sa pamilya.

Para naman kay Ria, may matinding kurot sa puso ang movie para sa kanya bilang isang anak na may sariling mga pangarap at minimithi sa buhay, “Iba ang pagmamahalan ng isang ina at ng kanyang anak. Malalim ito at napakasakit kung ito ay mawawasak.”

Nagkakaisa rin ang tatlong aktres na major shocker ang ending ng pelikula matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at acting na mapapanood dito.

Ipalalabas ang “Monster” sa lahat ng sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11 at kasalukuyan nang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International — para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula.

Lana Condor ibinida ang ‘girl power’ sa bagong animated film, binuhay ang karakter ng sea monster

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela Padilla inatake ng matinding nerbiyos habang idinidirek si Lorna Tolentino: ‘Hindi ko lang ipinahahalata sa kanya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending