Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang 'the one', paglalarawan sa kanilang relasyon: 'Happy & relaxed' | Bandera

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, paglalarawan sa kanilang relasyon: ‘Happy & relaxed’

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, paglalarawan sa kanilang relasyon: ‘Happy & relaxed’

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 07:22 AM

Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang 'the one', paglalarawan sa kanilang relasyon: 'Happy & relaxed'

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

FEELING ng Kapamilya actress na si Ria Atayde, natagpuan na niya ang kanyang “the one” sa katauhan ni Zanjoe Marudo.

Mas gusto ng dalaga na gawing private muna ang relasyon nila ni Zanjoe para iwas-intriga at tsismis na rin lalo pa’t nagsisimula pa lamang ang kuwento ng kanilang love story.

“I feel like you don’t enter into a relationship unless you feel like there’s a chance they should be the one,” chika ni Ria sa isang interview.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


Isa sa mga qualities na nagustuhan ng aktres at film producer kay Zanjoe ay ang pagiging understanding boyfriend.

Sa katunayan, hindi raw niya kinailangang mag-explain sa binata sa mga ginagawang desisyon niya sa buhay.

Paglalarawan pa niya sa estado ng kanyang lovelife, “Happy and relaxed. Love life is meant to be something that makes you happy and I’m so glad that’s exactly what it is.”

At kahit daw super busy sila ni Zanjoe sa kani-kanilang showbiz career, sinisiguro nilang nabibigyan nila ng sapat na oras ang isa’t isa.

Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Tulad ng ordinaryong couple, nanonood din sila ng movie sa sinehan, kumakain sa labas at naglalaro ng tennis.

Sa isang interview, ibinandera ni Ria ang pagmamahal kay Zanjoe, “I’m very happy right now. I’m in a relationship where I feel valued and where there’s so much mutual respect, mutual admiration.”

“I feel like because much of it is so public, just to protect it from people’s thoughts and intentions. Basta it’s nice to be happy,” sabi pa ng dalaga nang matanong kung bakit mas gusto nilang manahimik muna tungkol sa kanilang relasyon.

At sa question kung kailan nagsimula ang love story nila, “I actually don’t know. Ha-hahaha! We’ve been friends kasi for so long. Basta it started around last year, and we made it official last year din, in 2022.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Matatandaang inamin ni Zanjoe sa isang panayam na magdyowa na sila ni Ria noong January, 2023 pero tumanggi siyang idetalye ang mga kaganapan sa kanilang relationship.

Tanggap na tanggap din si Zanjoe ng mga magulang ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, pati na ng kapatid niyang si Cong. Arjo Atayde.

Samantala, kasama rin si Ria sa crime-thriller series na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan ni Arjo at sa upcoming Kapamilya teleserye na “Nag-aapoy na Damdamin.”

Unang nagkasama at nagkatrabaho sina Ria at Zanjoe sa ABS-CBN series na “My Dear Heart” noong 2017.

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending