TULI ka na ba? Ito ang isa sa nakakatuwa (o nakakatawa) na katanungan sa mga kalalakihan lalo na kapag ikaw ay nagbibinata. Isa rin ito sa maitutu-ring na kontrobersiyal na isyung pangmedikal at pangkalusugan dahil patuloy pa rin ang debate tungkol dito hanggang sa ngayon.
Sa Pilipinas, ang isang lalaki ay karaniwang nagpapatuli sa edad na walo hanggang 15 anyos. Ang mga lala-king nakapagpatuli na ay tinatawag na “tuli” at ang mga hindi pa ay tinatawag na “supot”. Ito ay tinuturing na ritwal ng pagtuloy (o rite of passage) sa pagbibinata ng isang lalaki at itinutu-ring na may malaking stigmang kaugnay sa mga lalaking hindi tuli o supot. Ang karaniwang paraan ng pagtutuli sa mga lalaki sa Pilipinas ay tinatawag na dorsal slit (hiwa sa dorsal) o pukpok na paghihiwa lamang sa kahabaan ng ibabaw ng dulong-balat (foreskin) ng ari ng lalaki at walang tinatanggal na anumang balat. Ito ang paraan na karaniwang ginagawa sa mga libreng pagtutuli sa mga klinika o health center tuwing panahon ng tag-init.
Narito ang ilan pang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa pagtutuli
ANO ANG PAGTUTULI?
Ito ay ang pag-alis ng dulong-balat (tinatawag din na bilot o prepusyo) ng ari ng lalaki. Isa itong sinaunang kaugalian na nagmumula sa relihi-yong ritwal. Nagsimula ito bilang ritwal ng Hudaismo na bahagi ng sinasabing pakikipagtipan ng Panginoong Dios (o Yahweh) kay Abraham at ng mga Israelita kaya ito ay isinasagawa rin ng mga kasalukuyang tagasunod ng Hudaismo, Islam at Kristiyano.
Ang pagtutuli ay hindi karaniwan sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ito ay karaniwan lámang sa mga bansang may populasyong maraming relihiyon gaya ng relihi-yong Hudaismo, Islam at Kristiyanismo. Gayunman, maraming mga bansang Katoliko o Orthodox tulad ng sa Ti-mog Amerika at Sila-ngang Europa na ang pagtutuli ay hindi karaniwan.
Sa kasalukuyan, maraming mga magulang ang pinapatuli ang kanilang anak na lalaki sa relihiyon o iba pang kadahilanan.
Maliban sa relihiyong kadahilanan, ang ilan sa mga dahilan ng pagpa-patuli ay kultural, estetiko (o histura) at paggamot sa mga karamdamang tulad ng balanitis xerotica obli-terans, paraphimosis, balanitis, posthitis, ba-lanoposthitis at mga impeksiyon ng pang-ihi.
KELAN GINAGAWA ANG PAGTUTULI?
Ang pagtutuli ay karaniwang ginagawa sa una o ikalawang araw matapos ipanganak. Sa mga Hudio, ang pagtutuli ay ginagawa sa ikawalong araw. Ang nasabing pamamaraan ay nagiging mas kum-plikado at mapanganib kapag matanda na ang sanggol, bata at lalaki.
PAANO GINAGAWA ANG PAGTUTULI?
Sa pagsasagawa ng pagtutuli, ang dulong-balat ay inaalis sa ulo ng ari at ang nalalabing bilot ay pinuputol. Kung ginagawa sa mga bagong panganak, ito ay inaabot lang ng lima hanggang 10 minuto. Kung may edad na, umaabot naman ito ng halos isang oras. Gumagaling naman ang tuli matapos ang lima hanggang pitong araw.
KAILANGAN BA ANG PAGTUTULI?
Ang pagsasagawa ng pagtutuli para sa medikal o pangkalusu-gang dahilan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatihan. Ayon sa pag-aaral ng American Academy of Pediatrics (AAP), nabatid na ang pangkalusugang benepisyo ng pagtutuli sa mga bagong panganak ay mas malaki kesa sa panganib nito. Subalit hindi naman ito sapat para irekomenda ang pandaigdigang pagtutuli ng mga bagong pa-nganak. Ang nasabing pamamaraan ay maaa-ring irekomenda sa mga mas matandang bata at kalalakihan para magamot ang phimosis (ang kawalan ng kakayahang maitras ang dulong-ba-lat) o gamutin ang impeksyon sa titi.
Kailangan din kausapin ng mga magulang ang doktor tungkol sa benepisyo at panganib ng nasabing pamamaraan bago magdesisyon kung ipapatuli ang anak na lalaki. Ang iba pang kadahilanan ay ang kultura, relihiyon at perso-nal na kagustuhan ay sangkot din sa iyong desisyon.
ANO ANG BENEPISYO NG PAGTUTULI?
- Meron nang ilang ebidensiya na ang pagtutuli ay may pangkalusugang benepisyo at kabilang dito ang:
- Mababawasan ang panganib ng urinary tract infection.
- Mababawasan ang panganib mula sa ilang sexually transmitted di-seases (STDs) sa mga kalalakihan.
- Proteksyon mula sa penile cancer at mababang panganib mula sa cervical cancer para mga babaeng katalik.
- Mapipigilan ang balanitis (pamamaga ng ulo ng ari) at balanoposthitis (pamamaga ng ulo ng ari at dulong-balat).
- Mapigilan ang phimosis at paraphimosis (ang kawalan ng kakayahan na maibalik ang dulong-balat sa orihinal nitong lokasyon).
Ang pagtutuli ay nagagawa rin na maging madali ang paglilinis ng dulo ng ari bagamat may ilang pag-aaral na nagpapakita na ang mabu-ting pangangalaga sa kalusugan ay nakakatulong para mapigilan ang ilang problema sa ari ng lalaki kabilang ang impeksyon at pamamaga kahit na hindi tuli.
ANO ANG MGA PANGANIB NGPAGTUTULI?
- Tulad ng ibang o-perasyon, may mga pa-nganib na kasama ang pagtutuli. Bagamat mababa ang panganib, ang ilan sa mga problema nauugnay sa pagtutuli ay ang:
- Kirot
- Panganib ng pagdurugo at impeksyon sa bahaging tinuli
- Iritasyon sa ulo ng ari
- Panganib ng meatitis (pamamaga ng harapan ng ari ng lalaki)
- Panganib ng pinsala sa ari ng lalaki
Aba! babae tinutuli rin
KUNG akala mo mga pawang lalaki lang ang tinutuli meron ding mga babae ang dumadaan din sa ganitong procedure.
Ito ay dahil sa ibang kulturang kinagisnan, gaya na lang sa Africa na normal lang na kabilang ang mga babae sa tinutuli.
Ang mga ito ay inuuri sa apat na klasipikasyon ng World Health Organization (WHO) na ang pangunahing tatlo ay: (1) pagtanggal ng takip ng clitoris na halos sinasamahan ng pagtanggal ng mismong clitoris (clitoridectomy); (2) pagtanggal ng clitoris at panloob na labial; (3) pagtanggal ng lahat o bahagi ng panloob at panlabas na labial (infibulation) at karaniwan ang clitoris at pagsasanib at pagsasara ng sugat na nag-iiwan ng maliit na butas para daanan ng ihi o regla ang isinarang sugat ay binubuksan sa pakikipagtalik o panganganak.
Sinasabing 85 porsiyento ng babaeng sumailalim sa pagtutuli ay dumanas ng mga una at ikalawang uri ng pagtutuli at 15 porsiyento ng ikatlong uri bagaman ito ang pinaka karaniwang paraan sa mga bansang kinabibilangan ng Sudan, Somalia at Djibouti.
Ang ilan sa iba’t ibang paraan ay inuri na pang-apat na uri na kinabibilangan ng simbolikong pagtusok sa clitoris o labial o pagsunog ng clitoris, paghiwa sa puwerta upang palakihin ito at pagpapa-kila ng mga nakasusunog na substansiya upang pasikipin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.