18-player PH volleyball teams pinangalanan na | Bandera

18-player PH volleyball teams pinangalanan na

Angelito Oredo - May 19, 2017 - 10:11 PM

OPTIMISTIKO ang Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) na kapwa makakapag-uwi ng anumang kulay na medalya ang men’s at women’s national volleyball team na isasabak sa internasyonal na torneo kabilang ang 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi nina LVPI president Joey Romasanta, vice-president at acting president Peter Cayco at LVPI treasurer Jeff Tamayo na ang dalawang koponan ay may kakayanan na maiahon at maibalik ang bansa sa dati nitong lugar bilang kinatatakutan sa larong volleyball sa rehiyon.

“We believe that with the current composition of these national teams, we are very optimistic that we can achieve that we aim for in bringing home medal for the country. Hindi nga lang namin alam kung anong kulay ang maiuuwi natin,” nasabi lamang ni Romasanta.

Binigyan mismo ng sertipiko ng LVPI bilang simbolo ng pagiging miyembro ng pambansang koponan sa kalalakihan sina Relan Taneo, Geuel Asia, Bryan Bagunas, Alnakran Abdilla, Alden Dave Cabaron, Mark Gil Alfafara, Reyson Fuentes, Jeff Malabanan, Bonjomar Castel, Hershel Ramos, Johnvic De Guzman, Jack Kalingking, Louwie Chavez, Edward Camposano, Gregorio Dolor, John Kenneth Sarcena, John Carascal at Peter John Quiel.

Itinalaga naman na team captain ng men’s squad si De Guzman habang si Mika Reyes sa women’s team.
Maliban kay Reyes kabilang din sa women’s team sina Denden Lazaro, Dawn Macandili, Abigail Marano, Genevieve Casugod, Maika Ortiz, Lourdes Clemente, Jaja Santiago, Aiza Maizo Pontillas, Jovelyn Gonzaga, Frances Molina, Kathleen Faith Arado, Rachel Ann Daquis, Ria Meneses, Kim Fajardo, Rhea Dimaculangan, Roselle Baliton at Alyssa Valdez.

Ipinaliwanag naman ni national head coach Francis Vicente na desisyon ng buong coaching staff ang pagkakapili sa 3-time UAAP MVP na si Valdez gayundin ang pagkakatalaga kay Reyes bilang team captain.

“Alyssa reached out to sir Peter (Cayco), and then she called me up. Hindi ko una nasagot coz I’m driving and then I texted her and we had a long talk. Hindi lang naman ako ang nagdesisyon sa kanyang inclusion sa team but all of us coaches in the team. The decision unanimously came from all of us, six coaches of the team,” sabi ni Vicente. “Mayroon akong listahan subalit hindi ako makapagpasiya mag-isa kaya nagbotohan kaming anim at ang mga manlalarong ito ang nakakuha ng pinakamaraming boto.”

Sinabi naman ni Cayco na kahit hindi makapasa sa justification ng binuong SEA Games Task Force ang men’s team ay ipapadala pa rin nito anuman ang mangyari dahil ngayon lamang ang panahon upang mabuo muli at maipakita sa rehiyon ang kakayahan ng kalalakihan.

“Anu’t-anuman ang mangyari, kahit hindi makapasa sa justification ang men’s team, ay pupunta at pupunta kami,” sabi ni Cayco. “Kailan pa natin isasabak at ie-expose itong mga players natin at paano sila matututo sa matindng laban kung wala silang exposure.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending