Ex-sexy star sinuwerte kaya tumigil na sa pambubugaw | Bandera

Ex-sexy star sinuwerte kaya tumigil na sa pambubugaw

Cristy Fermin |May 09,2017
facebook
share this

Ex-sexy star sinuwerte kaya tumigil na sa pambubugaw

Cristy Fermin - May 09, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

SA pagdating ng magandang kapalaran sa buhay ng isang dating sexy star ay maraming natuwa.

Kilalang-kilala kasi ng mga ito ang kagandahan ng kanyang puso sa kanyang pamilya.

Hindi niya sinosolo lang ang kaginhawahan, butas na butas ang kanyang mga palad sa pagtulong sa kanyang mga magulang at kapatid, kaya siguro pinremyuhan siya ng kapalaran ng isang bonggang-bonggang kabuhayan showcase.

Pero kung may mga naliligayahan sa maganda niyang suwerte ay may mga tao ring nalungkot, naapektuhan kasi ang mga ito nang todo, dahil wala na silang malalapitan kapag nagigipit sila.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka! Napakaraming masaya sa biglang pagbabago ng kabuhayan ng girl na ‘yun, pero meron ding mga taong nalungkot. Wala na kasing tutulong sa kanila kapag panahon na ng bayaran ng mga bills nila!

“Nu’n kasi, e, wala silang problema. Maraming kaibigan ang girl na puwedeng ireto sa mga babaeng problemado sa pagbabayad ng bills, kumikita sila, ang girl ang Boogie Wonderland (read: pimp, boogaling),” diretsong kuda ng aming impormante.

Dalawang female personalities ang direktang naapektuhan sa pagtigil sa dating sideline ng girl, ang isang aktres na madalas mapanood sa TV na may boyfriend nang guwapong aktor ngayon, saka ang karelasyon ng isang male personality na problemado tuwing katapusan na ng buwan.

Patuloy ng aming source, “Alam n’yo naman, ang ate nila ang kanilang takbuhan kapag nangangailangan sila ng datung! ‘Ate, malapit na ang bayaran ng bills, bahala ka na sa akin, ha?’

“‘Yun ang standard line ng girl na palaging namomroblema sa kadatungan tuwing bayaran na ng bills. May katamaran kasi ang husband niya, kaya may-I-sideline ang girl.

“‘Yung isa namang girl na may BF na guwapong aktor ngayon, e, mahilig sa mga branded stuff. Du’n lang napupunta ang kinikita niya sa pagpapa-booking.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may kahirapang sagutan ang exam n’yo ngayon! Pero madaling hulaan kung sino ang female personality na gumanda ang buhay,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending