Gloria Romero umaming nahihiya sa mga katrabahong child stars | Bandera

Gloria Romero umaming nahihiya sa mga katrabahong child stars

Ervin Santiago - April 23, 2017 - 12:15 AM

gloria romero

NAPAKABILIS talagang lumaki ng mga bata ngayon, ‘no! ‘Yung mga child star na pinapanood lang natin sa mga teleserye kamakailan ay dalagita’t binatilyo na ngayon!

Tulad na lang ni Jillian Ward na una nating napanood sa teleserye ng GMA 7 na Trudis Liit (2010) na ngayon ay 12 years old na pala at ang tangkad-tangkad pa.

Kasama si Jillian sa bagong weekly fantasy, kid-friendly at family-oriented series ng Kapuso Network na Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan bibida rin ang tinaguriang millennial lola na si Ms. Gloria Romero.

Bukod sa galing sa pag-arte, may ibubuga rin si Jillian pagdating sa pagkanta kaya siya rin ang kinuha ng GMA para kumanta ng theme song ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Biro nga ng ilang reporter sa napakagandang Kapuso child star, ilang taon na lang ay bibigyan na rin siya ng ka-loveteam dahil nga malaking bulas siya. Sey naman ni Jillian, matagal pa raw ‘yun dahil 12 years old pa lang daw siya. Pero aniya, handa naman daw siyang harapin ang mga bagong hamon na ibibigay nmg kanyang mother network.

Magsisimula na sa April 30 ang Daig Kayo Ng Lola Ko na siguradong magbibigay inspirasyon, kaligayahan at katuwaan sa mga manonood, lalo na sa mga bata.

Aiming to shape children’s values through its stories, the show narrates the magical adventures of Lola Goreng na gagampanan nga ni Ms. Gloria Romero, at ng kanyang mga apo na sina Alice at Elvis, to be portrayed by Jillian and David Remo. Makikilala rin nila sa kuwento ang dalawa pang bata na magiging katrops din nila, sina Moira (Chlaui Malayao) at Jorrel na gagampanan ni Julius Miguel.

Every week ay iba’t ibang kuwento ang masasaksihan sa nasabing programa na kapupulutan ng mga aral ng mga bata, pati na rin ng kanilang mga magulang na nakakalimot na sa kanilang mga anak.

In fairness, nakakabilib din talaga si Ms. Gloria Romero na hanggang ngayon ay very active pa rin sa acting, wala nga yatang pahinga ang award-winning veteran actress dahil tuloy-tuloy ang trabaho niya sa GMA.

“I’m flattered kasi ako ay kinuha ulit sa ganitong klaseng concept na show. Who would have thought that at my age, I will play a role of a fairy, ‘di ba? It’s nice because light lang yung ginagawa namin. Ang cute, kasi nag-e-enjoy ako,” sabi ng veteran star.

Puring-puri rin niya ang mga batang katrabaho niya sa bago niyang project sa GMA, “Sa totoo lang, itong mga batang kasama ko rito, ang gagaling. I can see their passion in acting. Minsan nahihiya nga ako kasi ako yung madalas magkamali.

“Sila, they can deliver their dialogues right away. Alam nila agad ‘yung lines nila. They come to the set prepared. So, ako, nahihiya ako whenever nagkakamali ako,” aniya pa.

Nagkuwento naman ang mga bagets tungkol kay Ms, Gloria. Ani Jillian, “Tuwing break po namin sa set, nakakatuwa yung stories ni Ms. Gloria kasi makakahanap ka talaga dun ng inspiration para mas pagbutihan mo pa ‘yung work mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni David, “Si Lola, nakakatuwa kasi makulit din siya at nakikipagbiruan sa amin.”

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, ang bibida sa pilot episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ay ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes. Kaya tutukan ang pagsisimula ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong April 30 sa GMA lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending