Gusto ng magka-baby | Bandera

Gusto ng magka-baby

Joseph Greenfield - April 10, 2017 - 12:22 AM

Sulat mula kay Raquel ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
Year 2015 ng kinasal kami ng mister ko ngunit almost 2 years na kaming nagsasama sa darating na June ngunit magpahanggang ngayon bakit kaya wala paring kaming baby? Naiinip na po kami ng mister ko kaya madalas ay nagiging nega na po ako, kaya iniisip kong baka may baog sa aming dalawa, na wag na man po sana. Kaya naisipan kong ipabasa sa inyo ang aming kapalaran kung kailan po kaya kami magkaka-baby? At kung sakaling makabuo na kami this year o sa next year ano po kaya ang unang magiging baby namin, girl po ba o boy? February 2, 1992 po ang birthday ko at May 29, 1991 naman ang mister ko.
Umaasa,
Raquel ng
Lapu-lapu

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang dapat ipag-alala at hindi dapat mag-isip na kesyo may baog sa inyong mag-asawa, sa halip, malinaw at sadyang kapansin-pansin namang talaga ang dalawang Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t manalig lang kayo sa inyong sariling kakayahan, makikita mo sa malapit na hinaharap, matutupad ang inyong samo’t dalangin, isang baby ang dahan-dahang mabubuo sa iyong sinapupunan.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Six of Hearts, at King of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, basta’t panayin nyo lang ang pagtatalik tuwing first quarter at habang bumibilog ang buwan sa langit, di magluluwat isang lalaking sanggol ang mabubuo sa iyong sinapupunan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending