User nilunok ang sachet ng shabu para hindi mahuli pero... | Bandera

User nilunok ang sachet ng shabu para hindi mahuli pero…

- March 21, 2017 - 04:01 PM

north cotobato

TINANGKANG utakan ng isang user sa Surallah, South Cotobato ang mga pulis matapos lunukin ang dalawang sachet ng shabu kahapon.

Nang dumating ang mga pulis sa kanyang bahay dahil sa reklamo ng tangkang pananakit, agad na nilunok ni Edward Mallo, 39, ng Barangay Dajay, Surallah, ang dalawang sachet ng shabu sa pagtatangkang itago na sangkot siya sa iligal na droga, sabi ni Chief Inspector Joel Fuerte, Surallah police chief.
Idinagdag ni Fuerte na nakalimutan ni Mallo na may tatlong sachet pa siya ng shabu sa kanyang bulsa, na narekober ng mga pulis.

Sinabi ni Fuerte na humingi ng tulong sa mga pulis ang mga kapatid ni Mallo matapos niyang tutukan ng kutsilyo ang mga kapatid na babae at lalaki.
Lasing umano si Mallo nang magbanta na sasaktan ang mga haharang sa kanyang daraanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending