National athletics pool pipiliin sa 12th SEA Youth tournament | Bandera

National athletics pool pipiliin sa 12th SEA Youth tournament

Angelito Oredo - March 16, 2017 - 11:00 PM

PIPILIIN ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) ang magiging miyembro nito sa national pool at mga pambansang trackster na isasabak nito sa pambansang delegasyon para sa 29th Southeast Asian Games sa gaganapin na Ayala Philippine National Invitational Athletics Championships.

Ito ay matapos magpahayag ng kahandaan ang Ilagan, Isabela sa pagho-host nito sa pinakaunang internasyonal na event na Southeast Asian Youth Athletics at National Open na gaganapin sa Marso 26 hanggang Abril 2.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Patafa president Dr. Philip Ella Juico at dating Mayor ng host City of Ilagan, Isabela na si Jay Diaz sa pinal na paglulunsad ng kambal na torneo na nakatuon sa pagpili ng isasama sa Malaysia SEA Games at paghahanap ng mga bagong pambansang atleta.

“This is an affirmation of our commitment to help in our national sports and to provide venues for our national sports associations as a helping hand towards our goal of international pride and prestige,” sabi ni Diaz, na siniguro ang kahandaan at katiwasayan sa dinarayong lugar ng Ilagan.

Sinabi ni Diaz na ilang kilalang artista ang magtatanghal kada gabi para sa mga kasaling atleta habang magpapakita rin ng kanilang talento ang mga kabataang estudyante ng probinsiya sa pagsasayaw ng mga tradisyunal at kultural na sayaw ng mga kalahok na darayong bansa.

Ipinaliwanag din ni Ilagan PIO chief Pastor Bacungan na magsasanib puwersa ang Philippine National Police, 5th Infantry Division ng Philippine Army at buong K9 Unit ng Isabela at Cagayan upang siguruhin ang kaligtasan sa buong araw ng torneo at mga isasagawang aktibidad kada gabi sa probinsiya.

Una nang nagkasundo sina Juico at City of Ilagan, Isabela Mayor Evelyn Diaz sa Memorandum of Agreement para sa hosting ng kambal na torneo na inaasahang magpapakilala sa Isabela bilang pinakabagong sports capital ng bansa dahil sa makabago nitong ipinagawa na milyong halaga na Ilagan Sports Complex.

“This is the first time we’re holding the SEA Youth Athletics here and bringing it to Ilagan, Isabela as part of our mission of bringing the sport to the province,” sabi ni Juico.

Pitong bansa sa pangunguna ng Brunei, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam, Singapore at Timor Leste ang makakatunggali ng Pilipinas sa SEA Youth Athletics habang inaasahan pa ang pagsali ng ibang bansa sa tampok na National Open kung saan nagpasabi ang Iraq, Sri Lanka, Guam at Hong Kong na sasali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending