Kawal dinampot sa rape | Bandera

Kawal dinampot sa rape

John Roson - March 03, 2017 - 06:20 PM
zamboanga city Dinampot ng mga pulis ang isang kawal ng Marines sa Zamboanga City matapos ireklamo ng panghahalay ng isang babae, ayon sa pulisya. Nakaditine ngayon si Pfc. Jeffrey Gambita, miyembro ng 72nd Marine Corps Artillery Battalion, para sa karadagang imbestigasyon, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Una dito, inireklamo si Gambita ng isang 20-anyos na babae para sa umano’y panghahalay. Sinabi ng babae sa pulisya na noong Miyerkues ng gabi’y nakipag-videoke siya sa kawal sa transient quarters, pero dakong alas-11 ay hinalay siya nito. Nang paalis na sana ang babae Huwebes ng umaga ay bigla umano siyang hinila ng kawal at muling hinalay pasado alas-7. Matapos ireklamo ng babae’y nadakip ang suspek sa paliparan ng lungsod, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending